^

Pang Movies

Joey, laging naghahanda sa sakit

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Joey, laging naghahanda sa sakit
Joey Albert

Kung may matatawag na ultimate survivor sa sakit na cancer, ito ay walang iba kundi si Ms. Joey Albert.

Hindi lang isa, kundi tatlong uri ng cancer ang napagtagumpayan ng 66-year-old veteran OPM icon. Hindi nga raw naging madali, pero napag­handaan daw niya ang mga ito.

“It’s really just one foot in front of the other when it’s something like that, and hope and faith,” sey ni Joey

Ayon kay Joey, alam na niya na may posibilidad na magkaroon siya ng cancer dahil pumanaw ang kanyang ama at nakakatandang kapatid na babae dahil sa cancer. Meron nga raw siyang Lynch syndrome, isang genetic condition kung saan mas mataas umano ang risk ng pagkakaroon ng cancer.

“Nu’ng finally, nangyari na sa ‘kin, actually, siyempre tuwing nangyayari, iisipin mo, ‘Ito na ba, Lord? Ito na ba, Lord?’ Pero alam mo, dahil siguro nakita ko na ‘yung daddy ko at saka ate ko, parang there was a part of me na talagang parang naghahanda na lang. Every moment of my life, every decision I made, sinubukan ko talaga at sinikap kong gawing desisyon para sa kabutihan ng pamilya ko, ng mga anak ko, ng asawa ko, or ng mga naniwala sa ‘kin throughout my career. At least alam ko na ‘pag may nangyari sa ‘kin, maganda na ‘yung naiwanan ko,” paggunita pa niya.

Pinakita rin ni Joey na malakas at matatag siya dahil sa turo ng kanyang ina na huwag magpakita sa mga taong nahihirapan siya. “It helps you also to carry that burden joyfully kasi kaya nai-inspire ‘yung mga tao, natuto rin sila na nakita nila na ‘Kung kaya ni Joey, kaya ko rin,’” ngiti pa niya.

Nakilala si Joey Albert bilang Queen of OPM dahil sa sunud-sunod na hit songs niya noong dekada ‘80. Kabilang dito ang Tell Me, I Remember The Boy, Points of View, Yakapin Mo Ako, Iisa Pa Lamang, Ikaw Lang Ang Mamahalin, Sa ‘Yo Lamang, It’s Over Now, Without You, at ang Christmas song na Kumukutikutitap. 

Actor/model, arestado sa falsification of public documents

Ang actor, model at content creator na si Rob Moya ay inaresto sa kasong falsification of public documents noong July 23.

Ayon sa report, nagbenta diumano si Rob ng multiple high-value properties (houses and luxury vehicles) na hindi nakapangalan sa kanya.

Si Rob, na anak ng ‘80s actor na si Jovit Moya, ay kinunan na ng mugshot at may kopya ng warrant of arrest na inilabas ng Municipal Trial Court in Cities, Branch 11 sa Angeles City, Pampanga.

Batay sa dokumento, nahaharap si Moya sa kasong paglabag sa Article 172, Paragraph 1 kaugnay ng Article 171, Paragraph 2 ng Revised Penal Code, o falsification of documents. Nagtakda rin ang korte ng P36,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dating contract artist ng GMA 7 si Rob at lumabas ito sa mga teleserye na Juan Happy Love Story, Meant To Be, Alyas Robin Hood, Hindi Ko Kayang Iwan Ka, Victor Magtanggol, Asawa Ko Karibal Ko, Dragon Lady at Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Dating nakarelasyon ni Rob ang vlogger na si Toni Fowler. Naghiwalay sila noong 2021.

Ang ama ni Rob na si Jovit Moya, na isang openly gay actor, ay miyembro noon ng That’s Entertainment at naging contract star ng Seiko Films noong ‘80s at early ‘90s. Pinasok nito ang pagiging pulis in 1992 at nagretiro in 2005.

Johnny Depp, nanggulat

Sinorpresa ni Johnny Depp ang mga fan sa San Diego Comic-Con sa pag-appear niya sa character na Ebenezer Scrooge.

Early promo ito ng 63-year-old Hollywood actor para sa upcoming fall release of the movie, Ebenezer: A Christmas Carol, a gothic reimagining of the Charles Dickens classic.

Unrecognizable si Depp dahil sa suot niyang top hat with ultra gray facial hair and walking with a cane.

Naka-schedule na ipalabas ang Ebenezer: A Christmas Carol on Nov. 13. Kasama rin sa movie sina Andrea Riseborough, Tramell Tillman, Ian McKellen and Rupert Grint.

JOEY ALBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with