^

Pang Movies

Yeng, noon pa gustong mag-coach!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Yeng, noon pa gustong mag-coach!
Yeng

Mga bagong coach sa new season ng The Voice Kids Philippines ay sina Yeng Constantino at Gloc-9.

Ibinahagi ng dalawang artist ang kanilang excitement na makasama si Julie Anne San Jose sa bagong season.

Ayon sa singer-songwriter na si Yeng, isa itong proyektong matagal na niyang inaasam sa ilalim ng GMA Network. “Siyempre po ano bilang isang mang-aawit, ‘yung maging coach ka ng The Voice, isa ‘yan sa mga checklist na gusto mong magawa sa iyong career and I’m just so grateful na ibinigay ito ng Panginoon in his right time,” sey ng kauna-unahang winner ng Pinoy Dream Academy noong 2006.

Para sa mahusay na Filipino rap artist na si Gloc-9: “Siguro kahit tawag nila sa akin coach dito, I’m sure marami akong matututunan sa aking mga fellow coaches, siyempre si Julie, si Yeng and ‘yung mae-encounter and mami-meet naming mga batang singers.”

Sabi naman ni Gloc-9, “Iikot ako ‘pag tama ‘yung sabi ni Yeng ‘pag unang line pa lang nakuha mo na ko. Parang regardless kung nasa mataas ‘yung note ka nung song and alam mo naman unang timbre pa lang pagkanta.”

Si Julie Anne naman ay nagbigay rin ng payo sa kanyang bagong coaches.

“Be ready kasi ano siya, mind, heart and soul talagang apektado ka. As in it’s a great experience pero nakakakaba but at the same time, ano siya paglalaruan ‘yung emosyon mo especially we’re dealing with kids.”

Ariana, bumalik sa Ex!

Naka-move on na si Ariana Grande sa pakikipaghiwalay sa boyfriend na si Ethan Slater dahil muli siyang nakipagbalikan sa ex-boyfriend niyang si Ricky Alvarez.

Ten years after, na-rekindle ang romance nina Ariana at Ricky. Sey pa ng Wicked star: “we’re taking things very slowly.”

Ayon sa report ng People: “Ariana has always considered Ricky a friend. She’s not held ill will against him since their split. Ricky is dependable, trustworthy and very supportive. Ariana feels she can be herself around Ricky. They’re not jumping into anything serious right away, but Ari is happy to have him back in her life.”

Magkasama nga raw ang dalawa noong nakaraang 4th of July weekend with Ariana’s family in Florida.

Ariana dated Ricky, her former backup dancer, from 2015-2016.

In 2021, kinasal si Ariana kay Dalton Gomez at nag-divorce sila in 2024.

YENG CONSTANTINO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with