Cyberlibel ni Jasmine, ibinasura

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Makati prosecutors ang inihaing cyberlibel, unjust vexation at gender-based online sexual harassment complaints ni Jasmine Curtis-Smith laban sa abogadong si Ferdinand Topacio.
Batay sa 13-joint resolution ng Makati City Prosecutor’s Office, walang ‘prima facie evidence with reasonable certainty of conviction’ upang isulong ang kaso sa korte laban kay Topacio kaugnay sa komento nito sa mga naging pahayag ni Congressman Bong Suntay sa impeachment hearing ni Vice Pres. Sara Duterte.
Maaalalang naging kontrobersyal ang pagbanggit ni Suntay sa pagdinig sa House of Representatives na nag-iinit daw siya kay Anne Curtis, kapatid ni Jasmine Curtis-Smith
Ang naging pahayag ni Suntay ay dinepensahan ni Topacio sa kanyang programa sa radyo, sa pagsasabing: “Kayong mga artista ha, ‘yung mga ganyan… ikaw Jasmine, bakit ka nagpo-post ng mga bikini picture mo sa social media, sa mga pahayagan? Hindi ba para ikaw ay pagnasaan? Para ikaw ay sumikat?”
Ipinaliwanag ng prosekusyon na ang mga pahayag man ni Topacio ay matalas, nakakainsulto at nakakasakit, ay hindi pa rin katumbas ng ‘actual malice.’ Wala ring sapat na ebidensya para papanagutin si Topacio sa unjust vexation at na may nagawang bagay para takutin si Curtis-Smith, o para mapinsala ang reputasyon.
- Latest

























