^

Probinsiya

Dyip sumalpok sa bus, 18 katao sugatan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Dyip sumalpok sa bus, 18 katao sugatan
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Bataan Provincial Director Police Colonel Ma­ritess Salvadora, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Purok 2A, Umali Street, Brgy. Roosevelt.
Dinalupihan MDRRMO

Dinalupihan, Bataan, Philippines — Labingwalo katao ang sugatan nang salpukin ng isang pampasaherong jeepney na mawalan umano ng preno ang nakahintong Victory Liner bus saka binangga ang isang konkretong poste at bakod ng isang bahay sa Barangay Roosevelt ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Bataan Provincial Director Police Colonel Ma­ritess Salvadora, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Purok 2A, Umali Street, Brgy. Roosevelt.

Minamaneho ni Elizalde Dela Peña Pineda ang pampasaherong jeep na biyaheng Olongapo City patungong Dinalupihan nang biglang pumalya umano ang preno habang nasa bahagi ng Sitio Bilyaran.

Napag-alaman na may pasaherong nagpababa kaya’t inapakan ng drayber ang preno, ngunit hindi na umano ito kumagat. Dahil dito, tuluy-tuloy na rumagasa ang jeep hanggang sa marating ang lugar ng insidente.

Tinangka pa umano ng drayber na iwasan ang isang nakahintong Victory Liner bus na minamaneho ni Renie Boy Sabas y Aragon, na noon ay nagsasakay at nagbababa ng mga pasahero.

Gayunman, hindi na naiwasan ng jeep ang pagsalpok sa kaliwang likurang bahagi ng bus.

Matapos ang unang banggaan, hindi pa rin huminto ang jeep at muling bumangga sa isang konkretong poste ng PENELCO bago tuluyang sumalpok sa bakod ng bahay na pag-aari ni Anita Manansala Guinto.

Sugatan ang drayber ng jeep at lahat ng 17 pasahero nito.

VICTORY LINER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with