^

Pang Movies

DongYan, ‘di na makikigulo sa Pasko!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
DongYan, ‘di na makikigulo sa Pasko!
DongYan

Walang aabangan ang DongYan fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na entry ng dalawa sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Hindi raw ipapasok sa 52nd MMFF ang pelikula nilang Remember, mas maaga ang playdate ng nasabing pelikula. Ang unang nabalitaan namin, sa November ang playdate nito, the same playdate ng Hello, Love, Again (HLA) movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Akala namin end ng November ang playdate ng Remember o Nov. 25, last Wednesday ng November. Pero, ang latest, sa Nov. 11 na raw ang showing nito. Nag-check uli kami at nalamang Nov. 13, 2024 ipinalabas ang HLA nina Kathryn at Alden.

Ibig sabihin, tama ang tsika na ilalagay ang playdate ng DongYan movie sa naging playdate ng HLA.

Maganda raw ang playdate ng before MMFF, walang kasabay na MMFF entry at sa isang movie lang ang focus ng moviegoers. Wala pang official announcement, pero kumakalat na ang balitang ito online.

Sigurado namang kahit anong playdate ng Remember, susuportahan ng DongYan fans at casual fans ang pelikula ng mag-asawa.

Matthew Lhuillier, inamin ang naging relasyon kay Chie!

In fairness, sinagot ni Matthew Lhuillier ang tanong ng isang netizen na “what happened to u and @chiefilomeno?”

Sagot ni Matthew, “life happened” at hindi na nag-elaborate.

Binati kasi ni Matthew ang on-and-off girlfriend niyang si Jolie Jurkovich ng happy birthday. Sa birthday greetings nito, binanggit na five years na ang relasyon nila. Kaya nagtanong ang netizen kung ano ang nangyari sa kanila ni Chie Filomeno? Hindi mabait ang netizens sa comment nila kina Chie at Matthew.

Siguro raw may panghihinayang si Chie na iniwan si Jake Cuenca para kay Matthew. Hindi naman daw pala magtatagal ang kanilang relasyon. Wala ring magiging balikan sa dalawa dahil GF na ni Jake si Rabiya Mateo. Wrong move raw ang ginawa ni Chie na iwan ang aktor.

Wala ring takot ang netizens to bash Matthew. Red flag daw ito. Inagaw si Chie kay Jake tapos iiwan din pala.

Nagulat siguro si Matthew na naba-bash siya and he was advised to turn off the comment section of his Instagram. The hate comment continues though ‘kaaliw basahin. Pati ang GF ni Matthew na si Jolie naba-bash din. Paano raw niya natanggap uli ang BF gayung alam na nagkaroon ito ng relasyon sa iba?

Tina-tag pa ito, kaya tiyak nababasa ang comment na ang iba ay sa Tagalog and hopefully, hindi niya naintindihan.

Heart, in-unfollow si Mimiyuuuh!

Hindi na pina-follow nina Heart Evangelista at influencer Mimiyuuuh ang isa’t isa sa Instagram. Ipinarating yata kay Heart ang comment ni Mimiyuuuh sa vlog nila ni Esnyr na feeling ng fans ni Heart, may pa-shade kay Heart.

Kahit daw walang binanggit na pangalan si Mimiyuuh, parang p?naringgan nito si Heart. Sabi kasi ni Mimiyuuh, love niya si Anne Curtis dahil maganda, mabait at sabi, “Siya talaga ang Clean Money Girl” at nag-agree si Esnyr.

Nag-react ang isa sa team ni Heart, Resty Rosell na laging nakaabang sa mga bumibira kay Heart. Tanong nito kay Mimiyuuuh, “Anong pinaglalaban natin mi sikat ka na hindi mo na need magpasikat.” Sinundan ng “Hindi mo na need magpasikat sikat ka na. sayang lang meron ka ng paganyan ngayon. kahit sabihin pa natin hindi para kay Heart yan mali pa din ano ba basehan natin sa clean money kailangan ba manampal kami ng financial statement para masabing clean money?” It turned out nag-guest si Heart sa vlog ni Mimiyuuuh tapos ngayon, may statement siya na hindi naiwasang mag-react ang team ni Heart.

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with