Rico at Maris, nag-iwasan?!

Parang nagkaroon ng awkwardness kina Rico Blanco at Maris sa 9th EDDYS.
Dumating sa venue si Rico na nakitang kasamang dumating ang buong pamilya.
Si Maris naman ay maaga ring dumating sa venue kasabay ng iba pang nominees.
May ilang nagbantay sa kanila kung magbabatian ba, pero hanggang matapos ang awards night at pareho na silang tumanggap ng tropy ay hindi nagkitang nagkalapit ang dating magkarelasyon.
May pagkakataong nakatungo si Rico habang si Maris ay lumipat ng upuan pagkatapos mag-present ng isang category.
Nauna nang umalis si Rico kasama ang pamilya habang si Maris ay pinigilan sandaling umalis para sa pictorial ng winners.
- Latest






















