^

PSN Showbiz

Vic/Vice, at DongYan, may tapatan agad!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Vic/Vice, at DongYan, may tapatan agad!
Marian Rivera at Dingdong Dantes

Sa araw na ito ng Martes, July 7, 2026 malalaman ang unang  apat ng pelikulangmapapasama sa 2026 Metro Manila Film Festival base sa script. At inaasahan na ang pagpasok dito ang maituturing na powerful  and incredible team-up nina Vic Sotto at Vice Ganda sa pelikulang The Greatest Showdown na pamamahalaan ng award-winning writer-director na si Jun Robles Lana.

?Wala talaga imposible sa mundo ng showbiz. Ang maituturing na archrivals for noontime supremacy na sina Vic Sotto (ng Eat Bulaga ) at Vice Ganda (ng It’s Showtime) ay magsasama sa unang pagkakataon na maituturing na makasaysayan sa larangan ng pelikulang Pilipino.

?Seventeen years nang magkatapat ang Eat Bulaga (the longest-running noontime show on Philippine television) at ang It’s Showtime, pero ang mahalaga ay maraming napapasayangmanonood ang dalawang programa at maraming tao ang nabibigyan ng hanap-buhay.

?Sa pagtatambal sa pelikula  sa unang pagkakataon nina Vic at Vice, mare-realize  ng mga manonood na ang mga host and their respective production people ay hindi magkakalaban sa totoong buhay.

?Since si Jun Lana ang writer-director, tiyak na hindi 100% comedy ang pelikula kundi may halo itong drama tulad nitong mga huling MMFF movies ni Vice na Call Me Mother, at And the Winner is….

?Ang isa pang pelikulang inaasahang papasoksa listahan ng Top 4 entries ng 2026 MMFF (based on script) ay ang reunion movie ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang Remember na muling pinamamahalaan ng kanilang record-breaking  Rewind  MMFF movie nung 2023, ang Director na si Mae Cruz-Alviar na sa Quebec, Canada pa ang shooting.

Ang pelikulang Rewind ay gumawa ng record sa kasaysayan ng Metro Manila Film Festival dahil hanggang ngayon ay ito pa rin ang may ta­ngan ng highest grossing film of all time  ng MMFF na tumabo sa takilya worldwide ng mahi­git P900M (MMFF alone), pero umabot ng P924M plus including extensions outside MMFF.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with