Pepe at Claudine, may tikiman sa sinehan

MANILA, Philippines — Bongga ‘yung lips to lips nina Pepe Herrera at Claudine Barretto sa premiere night ng Home Along Da Riles: Da Reunion.
Parang hindi talaga nila napigilan kahit andaming nakatutok na camera.
Or baka wala lang ‘yun at talagang overwhelmed lang sila sa napanood nila sa ginawa sa pelikula na in all fairness ay maganda ang feedback.
To be fair with Claudine, lagi naman siyang game at honest so asahang magkukuwento siya kung anong meaning ng tukaan nila ni Pepe sa harap ng maraming tao.
Single ngayon si Claudine matapos maudlot ang relasyon nila ni Milano Sanchez. Si Pepe naman ay may mga anak sa kasalukuyang partner.
- Latest





















