Veteran broadcast journalist, pumanaw

MANILA, Philippines — Ahh pumanaw na ang veteran broadcast journalist at radio anchor na si Jaime Federico Gil o mas kilala bilang Jimmy Gil, sa edad na 79 noong Huwebes, June 11.
Post ni Arnold Clavio na matagal nakasama si Mr. Gil: “Ngayong araw, two years ago , I suffered a hemorrhagic stroke. Tapos, ilang weeks, si Jimmy Gil or Ka Igme rin.
“Ang photo ay reunion naming dalawa bilang survivor. Isa si Ka Igme sa una kong nakilala sa GMA Network, Inc at Super Rqdyo DZBB noong lumipat ako taong 1989.
“Ka Igme salamat sa lahat .
“Pahinga ka na po…,” post ni Igan kasabay sa pag-alala sa kanyang pinagdaanan ding health challenges pero ngayon ay malusog na ulit pero ingat na ingat na sa kanyang mga kinakain.
- Latest





















