^

Bansa

‘ATM’ post sa social media iwasan ngayong holiday season — PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
‘ATM’ post sa social media iwasan ngayong holiday season — PNP
This undated photo shows a person inserting their card into an automated teller machine.
The STAR / File photo

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na iwasan ang pagpopost ng ‘ATM’ o at the moment sa social media ngayong Holiday Season upang maiwasang ma­ging biktima ng mga akyat bahay sakaling magbabakasyon.

Sa isinagawang press briefing, sinabi ni PNP Public Information Office chief PBGen. Jean Fajardo na kailangan na maging maingat ang publiko ngayong Kapaskuhan kung saan umaatake ang mga kawatan.

Ani Fajardo, marami ang magbabakasyon at ipagdiriwang ang Pasko kaya dapat na siguraduhin ng publiko na may sapat na ilaw at maging ng CCTV ang kanilang bahay.

Nabatid din kay ­Fajardo na nakikipag-ugnayan naman ang PNP sa mga barangay na magsasagawa ng pag-iikot sa kanilang nasasakupan.

Samantala, pinaalalahan din ni Fajardo ang mga motorista na siguraduhin na nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe.

Tiyakin na may sapat na tulog at hindi nakai­nom para iwas disgrasya.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with