^

PSN Opinyon

Asenso ng Makati, ramdam ng bawat

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

(Last Part)

Kahapon, inilahad ko na dahil sa matatag nating ekono­miya, nagagawa nating palawakin at pagbutihin ang mga serbisyong nakakatulong sa buhay ng bawat isa.

Kabilang diyan ang larangan ng kalusugan, kung saan 80,000 residente ang natutulungan ng Makati Health Plus (Yellow Card), na nagbibigay ng libreng healthcare services.

Sa edukasyon naman, tuloy-tuloy ang suporta natin sa mga estudyante. Libre ang school supplies, uniporme, at tablets para sa kanilang pag-aaral.

Hindi rin natin nakakalimutan ang ating mga senior at PWDs. May cash assistance, medical support, at iba pang programang tumutulong sa kanila para mas maging magaan ang kanilang araw-araw. Ang mahalaga dito, sa Makati, walang naiiwan—lahat ay kasama sa progreso!

Higit pa rito, proud din akong sabihin na ang Makati ay handang-handa sa anumang hamon o sakuna. Sa tulong ng advanced early warning systems, modernong rescue equipment, at regular na disaster preparedness training, sinisigurado nating ligtas ang bawat isa.

At bilang patunay ng ating dedikasyon sa ingklusibong pag-unlad, kamakailan lamang ay nakibahagi tayo sa 44th CityNet Executive Committee Meeting sa Iloilo City. Dito, kinilala ang ating mga inisyatiba sa pamamagitan ng paggawad ng Inclusive City Award at Audience Choice Award para sa Lingkod Bayan Caravan sa 3rd CityNet-ESCAP SDG City Awards na ginanap sa Iloilo Convention Center.

Ang mga parangal na ito ay patunay ng ating pagsisikap na maghatid ng serbisyong may malasakit at ingklusibo para sa lahat. Ang lahat ng tagumpay na ito ay dahil sa inyong suporta at pagkakaisa. Kaya’t patuloy tayong magsama-sama para abutin ang mas mataas pang pangarap.

Dito sa Makati, ang progreso ay para sa lahat, hindi lang para sa iilan.

MAKATI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with