^

Bansa

‘Polvoron video’ pinapa-‘take down’ ng PNP- ACG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakikipag-ugnayan na ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) sa Department of Information and Communication Technology (DICT) para ipa-“take down” ang kumalat na video ng isang lalaking nagpapanggap na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakita sa aktong gumagamit umano ng droga.

Kasabay nito nanawagan din si PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo sa publiko na huwag i-share ang naturang video dahil lumabas sa imbestigasyon na ito ay peke.

Sa isinagawang forensic investigation, kapwa inihayag ng PNP at National Bureau of Investigation (NBI) na ang lalaking nakita sa video sa sumisinghot ng pinaniniwalaang cocaine, ay hindi si Pangulong Marcos.

Sa pamamagitan ng Deepware artificial intelligence (AI) detection tool gamit ang multiple algorithms, sinabi ni PNP-ACG director Brig. Gen. Ronnie Cariaga, napatunayang peke ang video na ginawa sa pamamagitan ng AI.

Aniya, malaki ang  pagkakaiba ng “facial features” ng Pangulo, sa hindi kilalang lalaki sa video, partikular ang sukat ng tenga, at hugis ng mata, ilong, at “sideburns”.

vuukle comment

ACG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with