^

Pang Movies

DJ Mo, humihingi na lang ng ayuda?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi na raw maiiwasan at malamang mag-divorce na si Mohan Gumatay alyas DJ Mo, at ang kanyang asawang si Angelicopter. Ang tagal nilang naging mag-syota tapos ilang taon pa lang silang kasal divorce na.

Wala namang nagsasabi kung ano ang dahilan ng kanilang divorce pero baka karma na rin iyan ni Gumatay.

Nabuntis niyang si DJ Mo ang noon ay young star na si Bunny Paras nagkaroon sila ng anak si Moira na nagkataong may kapansanan pa since birth. Pero matapos iyon iniwan na ni Mo ang kanyang mag-ina.

Lumaki ang bata minsan ay dumadaan sa panganib ang buhay, pero mag-isang itinaguyod siya ni Bunny sa tulong ng kapatid na si Sharmaine Arnaiz. Sa kabutihang palad nakatagpo naman si Bunny ng isang makakasama sa buhay, pinakasalan siya at inalagaan din pati si Moira na anak niya kay Gumatay.

Ngayon naiba naman ang sitwasyon, mukhang si Angelicopter nga ang umayaw na kay Gumatay kaya gusto na niya ng divorce.

Sa isa niyang podcast, inamin naman ni Gumatay na medyo mahirap ang kanyang buhay sa ngayon, wala siyang trabaho kundi iyong podcast, wala namang sponsors iyon, kaya minsan humihingi siya ng tulong sa mga nakikinig sa kanya na padalhan siya ng GCash. Ang layo na ng itinakbo ng kanyang buhay.

Nominasyon ni Ate Vi, maingay!

Nakakatawa ang mga strategy talaga at never pa namang nangyari ang ganyan sa nomination para sa national artist. Noon hindi halos pinag-uusapan iyang nomination at umiingay lang kung mayroon nang mga napili. At saka lang nagkakaroon ng usapan kung tama ba ang choices o hindi.

Pero aywan nga ba kung bakit masyadong pinag-uusapan iyan sa ngayon. Nagsimula lang iyan nang umugong na may mga taong gustong mag-nominate kay Vilma Santos para maging national artist. May umalma agad na isang grupo naman na nagsabing hindi dapat dahil kulang pa ang kanyang international awards.

Hindi ba ang mas mahalaga para maging pambansang alagad ng sining o artista ng bayan ay iyong gusto ka ng sambayanan, tinatangkilik ang iyong sining, minamahal ka ng iyong mga kasama at nakakapagpakita ka ng isang magandang halimbawa?

Nitong mga huling araw may pinalalabas pa silang dapat ang ideklarang national artist ay si Lea Salonga dahil nagbigay raw iyon ng maraming karangalan sa bansa, at hindi si Vilma.

Kung iisipin magkaiba naman sila ng kategorya bilang isang aktres. Si Vilma ay artista sa pelikula at sa telebisyon. Si Lea ay artista sa lehitimong tanghalan at ang mga palabas niya ay ginanap sa abroad, hindi naman sa Pilipinas pero totoong nagbigay siya ng karangalan sa Pilipinas.

David at GF, spotted!

Natawa kami sa kuwento noong isang araw. Nakita si David Licauco kasama ang kanyang girlfriend sa BGC.

Bakit si David hindi pinagbawalang makipag-date sa kanyang syota, bakit si Barbie Forteza, pinagbawalan nilang makitang kasama ang boyfriend na si Jak Roberto dahil daw sa binubuo nilang love team?

O baka maluwag na sila sa ngayon dahil tanggap na nilang may kanya-kanyang karelasyon ang dalawa.

Sharon, itatapat kay Gabby?!

May gagawin daw serye sa telebisyon si Sharon Cuneta at iyan ay ibinalita na ng ABS-CBN. Ayaw naming isipin na iyan ay isang maling career move para kay Sharon.

Masyado niyang itinataya ang kanyang sarili sa ganyan, paaano kung hindi siya maging top rater, eh di sasabihin na naman wala na ang kanyang popularidad. Sinubukan na niyang gumawa ng serye ah, hindi nga iyon napansin. Iba kasi ang mga artistang sinusundan sa TV, iba naman ang mga artistang pang pelikula.

Kaya ba niyang makipagsabayan sa Batang Quiapo? O kahit sa Widows’ War na lang.

Kung matapatan pa siya ng isang Gabby Concepcion-Sanya Lopez starrer patay na. Hindi iyang teleserye ang market ni Sharon. Dapat alam na nila iyon.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with