Lakers pinili si Bronny James sa draft
NEW YORK - Pinangarap ito ni LeBron James ilang taon na ang nakakalipas, ang makalaro niya ang anak na si Bronny James sa isang koponan sa NBA.
Kahapon ay pinili ng Los Angeles Lakers ang 19-anyos na si Bronny James bilang No. 55 overall pick sa Day Two ng 2024 NBA Rookie Draft.
“Beyond blessed,” wika ng 6-foot-4 na si Bronny James sa isang Instagram post.
Ngunit hindi pa dapat magdiwang si Bronny James dahil sa susunod na linggo ay magiging isang free agent ang 39-anyos na si LeBron James.
Dahil dito ay maaari siyang manatili sa Lakers para makasabay sa hardcourt ang anak na si Bronny James o lumipat ng ibang tropa para sa susunod na season.
“In the history of the NBA, there’s never been a father and a son that have shared an NBA basketball court and that feels like something that could be magical,” sabi ni Lakers general manager Rob Pelinka.
“We know, and have to respect of course, that LeBron has a decision on his opt-out ... but if it worked out that he was on our team next season, NBA history could be made. And NBA history should be made in a Lakers uniform,” dagdag nito.
Kung sakali ay mapapanood ang kauna-unahang father-son on-court duo sa NBA sa katauhan nina LeBron James at Bronny James sa Lakers.
- Latest