Rufa Mae, naghihintay sa message ng namatay na mister

Inaalala ni Rufa Mae Quinto ang birthday ng pumanaw niyang mister na si Trevor Magallanes.
Kasabay pala ng birthday nito ang wedding anniversary nila.
May isa silang anak, si Athena.
“Happy birthday my Love ! My favorite soul!
“You always say Thanksgiving is your favorite time of the year because it’s our wedding anniversary and your birthday. We always celebrate all 3 happy occasions since we’ve met. We never separate,” umpisa ni Rufa Mae na isang clarification na rin ulit na hindi sila hiwalay nang pumanaw ito.
“We made a family, you gave me Athena.
“As we Grieve, we don’t know how, why when it will stop …I guess. There’s no Answer to why’s so we just cry’s… Aray’s!,” dagdag pa niya.
Umaasa pa rin daw silang makakatanggap sila ng message kay Trevor na isang dating police officer, U.S. Air Force member at financial analyst bago sumakabilang buhay noong July 31, 2025.
“We are holding our celphone and iPad hoping,wishing,waiting for your text and call. We keep listening to your voice message,staring at your photos…We get happy hearing chirping birds and seeing butterflies. We feel you.
“We are still in love, we will always be - Mama and Athena
“Thank you Dada!
“Mahal Kita #TrevorForever.”
Maaalala kasing inintriga silang hiwalay na ng mister dahil nasa bansa si Rufa Mae nang pumanaw ito.
- Latest

























