^

Police Metro

Prosekusyon: ‘Patay’ na ang depensa ni VP Sara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – “Patay” na ang kaso ng defense team ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang bansa ng prosecution panel dahilan sa mahihinang testigo at kabiguang wasakin ang mga ebidensya sa alegasyon laban dito sa “unexplained wealth” o paglobo ng kayamanan na aabot sa P817.87 milyon simula 2022 hanggang 2025.

Ito ang inihayag ni House ­prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua sa ika-44 araw ng paglilitis laban kay VP Sara sa Senate impeachment court.

Sinabi ni Chua na sa naiprisinta ng pitong testigo ng defense team ay wala aniyang pang-knockout at bigo rin ang mga itong pabulaanan ang ebidensya ng prosecution team.

Sa pagpapatuloy ng paglilitis ay iprinisinta ng defense team si Atty. Rainer dela Fuente, isa ring private accountant na makakasagot umano sa usapin ng Anti-Money Laundering Act (AMLC) na kinuwestiyon ni Akbayan Partylist at prosecutor Chel Diokno na wala umanong kaugnayan sa paglilitis.

Iprinisinta rin ng defense panel ang lumang video clips ni dating Senadora Miriam Defensor Santiago at dating Chief Justice Renato Corona.

Sa panig naman ni Lanao del Sur Rep. at trial  Spokesman Zia Alonto Adiong na ang hakbang ng defense panel na iprisinta ang mga video clips ng mga namatay na sina Santiago at Corona ay isang ‘bad taste’ o maling hakbangin.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with