^

PM Sports

Chargers umeskapo sa Flying Titans

Russel Cadayona - Pang-masa
Chargers umeskapo sa Flying Titans
Eli Soyud.
PVL Media Bureau

MANILA, Philippines —  Itinakas ng Akari ang pahirapang 25-19, 22-25, 25-21, 19-25, 16-14 panalo laban sa Choco Mucho para sa kanilang bounce back win sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Humataw si Eli Soyud ng 17 points mula sa 13 attacks, tatlong blocks at isang block para sa 3-3 baraha ng Chargers at makatabla ang Flying Titans sa third spot sa ilalim ng Nxled Chameleons (5-0) at Creamline Cool Smashers (4-1).

Nagpalitan ng panalo ang dalawang koponan patungo sa fifth set kung saan kinuha ng Akari ang 12-8 abante galing sa service error ni Maddie Madayag ng Choco Mucho.

Sa pagbibida ni Kat Tolentino ay nakatabla ang Flying Titans sa 14-14.

Ang off the block kill ni Soyud kasunod ang nagpanalong block ni setter Mars Alba kay Sisi Rondina-Rosales ang sumelyo sa panalo ng Chargers.

Sa unang laro, pumalo si Fil-Am Brooke Van Sickle ng 13 points at tumipa si setter Gel Cayuna ng 16 excellent sets sa 25-13, 25-20, 25-18 pagwalis ng Nxled sa Capital1 Solar Energy.

Patuloy na sinolo ng Chameleons ang liderato bitbit ang 5-0 record na nagpalakas sa kanilang tsansa sa semifinals spot.

Nag-ambag si Fil-Am middle blocker MJ Phillips ng siyam na marka kasunod ang tig-pitong puntos nina Jackie Acuña at Jonah Sabete-Escamilan.

Laglag ang Solar Spi­kers sa ikatlong dikit na kamalasan para sa 2-4 baraha bagama’t nakahugot kay Erika Santos ng 12 points.

Nalimitahan sina Bella Belen at Vanie Gandler sa anim at pitong marka, ayon sa pagkakasunod.

Kinuha ng Nxled ang 19-11 kalamangan sa first set para angkinin ang 25-13 panalo bago isunod ang second frame, 25-20, na nagbaon sa Capital1 sa 2-0.

Ang magkadikit na hataw ni Sabete-Escamilan ang naglayo sa Nxled sa 20-15, samantalang ang block ni Pablo sa palo ni Belen ng Solar ang kumumpleto sa kanilang sweep.

PVL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with