Green Archers umeskapo sa Blue Eagles sa overtime

MANILA, Philippines — Kinahon ng defending champion De La Salle University ang solo third spot matapos panain ang 76-73 overtime win kontra Ateneo de Manila University sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Dahil sa panalo, inirehistro ng Green Archers ang 6-4 karta.
Nalasap ng Blue Eagles ang pang-limang kabiguan sa 10 laro.
Hanggang sa payoff period ay hindi naglalaro ang iskor kaya nagkaroon ng extra period.
Lumabas ang pagiging kampeon ng Green Archers sa overtime upang masikwat ang importanteng panalo laban sa Blue Eagles.
Sa unang laro, tumibay ang kapit ng National University sa second spot ng team standings matapos lapain ang University of Sto. Tomas, 75-71.
Ipinaramdam ni Mo Diassana ang kanyang lakas at inakbayan ang Bulldogs sa paglilista ng 7-3 karta.
Tumikada si Diassana ng 16 points at 19 rebounds para ipalasap sa Growling Tigers ang pang-anim na talo sa 10 salang.
“Good thing lumabas ‘yung effort namin this game up to the last minute. It’s all about mindset and ‘yung effort na binibigay namin every game,” sabi ni head coach Jeff Napa matapos ang laro.
Bumakas si Kenshin Padrones ng double-double na 13 markers at 12 boards para sa NU.
Pinamunuan ni Amiel Acido ang UST sa kanyang 13 points.
- Latest
















