Ryzza Mae, ‘di feel ni kris para kay Bimby?!

Trending si Ryzza Mae Dizon kahapon.
Ito ay dahil sa mga sinabi ni Kris Aquino sa Fast Talk with Boy Abunda na pangarap niya na mapangasawa ng anak niyang si Bimby ay maganda kahit tinanggalan na ng makeup.
Walang binanggit na pangalan si Kris pero hulang-hula ng netizens na ang Eat Bulaga host na si Ryzza Mae ‘yun.
Kahit nga si Kuya Boy Abunda ay parang hindi kaagad nakapag-react sa mga hirit ni Kris sa babaeng gusto aniya niyang pakasalan ni Bimby na sana raw ay maganda.
“Ipinagdarasal ko talaga, sana maganda ‘yung girl. I’m sorry. I know it sounds na parang... ang dating. ‘Wow. She hasn’t changed. Medyo mababaw!’ Pero ‘di ba, Boy, kasi, Bimb is the one who will carry on the Cojuangco-Aquino last name, so gusto ko naman talaga ang mga magiging anak nila, given na, I’m sure maganda ‘yung pagpapalaki gagawin nila, ang mga magiging anak nila.
“Pero I’m sure hindi siya magmahahal ng hindi maganda ang ugali, pero sana ‘yung maganda. Paano kung wala na siyang makeup, tapos hindi na siya maganda,” bahagi ng sabi nito.
- Latest





















