^

PSN Showbiz

MTRCB, naglabas ng ratings sa sineng horror, suspense bago ang halloween

Pilipino Star Ngayon
MTRCB, naglabas ng ratings sa sineng horror, suspense bago ang halloween

Naglabas na ng ratings ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa mga pelikulang katatakutan na palabas ngayong Halloween long weekend.

Paalaala ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto, dapat munang tiyakin ng mga manonood na angkop ang sineng kanilang papanoorin para sa mga mas bata nilang kasama bago pa man bumili ng tiket.  “Tiyak na mag-eenjoy ang mga pamilyang mahilig sa mga sineng katatakutan. Pero dapat ay may gabay pa rin ng mga magulang para siguradong naiintindihan ng mga bata ang kanilang pinapanood,” sabi niya.

App the Horror, isang South Korean horror film na pinagbibidahan nina Kim Young-jae, Kim Ju-a at Yang Jo-ah, ay rated R-13.

Ito ay may eksena ng supernatural horror, mga nakakatakot na imahe, intense suspense, moderate bloody violence, paranormal activity at spirit possession. Mapapanood ito sa SM Cinemas.

Rated R-13 din ang Vampire Carnival, isang gothic horror flick na tampok sina Nell Verlaque, Jason Isaacs ,at Kieron Moore.

Tinatalakay nito ang pagluluksa, emotional vulnerability at tukso. Mayroon din itong strong language, brief nudity, sexual content, eksena ng horror at karahasan gaya ng madugong vampire attacks at mga supernatural character, pati paggamit ng pinagbabawal na gamot.

Ang isa pang horror film, Crawlers, ay nakatanggap ng R-13 rating dahil sa strong bloody violence, gore, nakakatakot na eksenang katatakutan, strong language at brief sexual material. Bida rito sina Matilda Lutz, Gregg Sulkin at Melina Matthews at mapapanood lamang ito sa SM Cinemas.

Ginawaran din ng rating ang dalawang gawang-Pinoy na pelikula.

Ang Red Crown, isang suspense thriller na tampok sina Sanya Lopez, Michelle Dhee, Faith Da Silva, Az Martinez at Ashley Ortega, ay rated R-16.

Ito ay may mature themes, strong language at graphic ngunit non-gratuitous depiction ng karahasan at gore.

He’s Dating a Boldstar, isang Pinoy romantic comedy film na pinagbibidahan nina Joel Ravanera, Analyn Barro, Dominic Biong, Joshua Padigos, Bonn Earl Aquino, Nelson Nielo, Rob Sy, Leandro Baldemor, Aleck Bovick, Charles Temones, at Maranatha Quevedo, ay may R-13 rating.

Ito ay tungkol sa pag-abot sa mga pangarap, pagpapahalaga sa sarili at pagdedesisyon sa buhay.

Samantala, ang Sense and Sensibility, isang romantic period drama na bida sina Daisy Edgar-Jones, Esmé Creed-Miles, at Caitríona Balfe, ay nakakuha ng PG rating. Mapapanood ito sa Ayala Malls Cinemas.

Ang G o General Audience ay para sa lahat ng edad. Sa PG o Parental Guidance, kailangang may kasamang magulang o guardian ang batang manonood.

Ang R-13 ay para sa edad 13 at pataas, samantalang ang R-16 ay sa edad 16 at pataas. Ang R-18 naman ay sa mga nasa wastong edad lamang.

MTRCB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with