^

PM Sports

La Salle dumalawa sa UST

Elech Dawa - Pang-masa
La Salle dumalawa sa UST
Sumampa sa solo third place sa team standings ang Green Archers tangan ang 5-4 karta matapos sik­watin ang pangalawang sunod na panalo.
UAAP image

CEBU, Philippines — Pinana ng defending champion De La Salle University ang 92-80 panalo kontra University of Sto. Tomas, sa second round ng UAAP Season 89 men’s basketball tournament kahapon sa Blue Eagle Gym.

Sumampa sa solo third place sa team standings ang Green Archers tangan ang 5-4 karta matapos sik­watin ang pangalawang sunod na panalo.

Tumikada si Jan Clement Macalalag ng career-high 28 points para sa La Salle na ipinalasap sa UST ang pang-limang kabiguan sa siyam na laro.

Bahagyang nagparamdam ng lakas ang Green Archers sa first period, 25-19, at kahit sumisinga­sing sa second quarter ang Growling Tigers ay na­natiling matatag ang Taft-based squad para sa 47-44 halftime lead.

Bumangis ang UST sa third canto at inagaw ang 71-67 bentahe papasok ng fourth period.

Lumamang pa sila sa 73-67 sa 8:10 minuto ng laro, ngunit hindi nasira ang loob ng La Salle at na­bawi rin ang bentahe para makuha ang importanteng panalo.

Sa unang laro, kina­dena ng Universi­ty of the Philippines ang pang-limang sunod na pa­nalo matapos paluhurin ang University of the East, 101-70.

Nasolo ng Fighting Maroons ang top spot ng team standings tangan ang 7-2 karta, habang na­baon lalo sa ilalim ang Red Warriors na wala pa ring panalo sa siyam na salang.

Pinamunuan nina Choi Pa­lanca, Sean Franco, at LA Andres ang ratsada ng UP bago naibaba ng UE ang hinahabol sa 11 puntos sa third period.

May 14 points si Veejay Pre para sa Fighting Ma­roons.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with