VP Sara, no-show sa Senate budget hearing

MANILA, Philippines — Hindi nagpakita si Vice President Sara Duterte sa budget hearing ng Office of Vice President (OVP) sa Senado.
Sa halip, ang kumatawan sa kanya sa pagdinig ng budget ng OVP ay ang kaniyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez.
Nang tanungin ni Senate President Sherwin Gatchalian si Lopez kung nasaan si VP Duterte ay sinabi nito na kumatawan ang bise presidente kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa inurnment ng city planner sa siyudad ng Davao na matagal na nagsilbi doon at nataong naka-schedule din ngayong araw.
Sinabi naman ni Gatchalian na umaasa siyang dadalo si VP Duterte sa plenary deliberations ng budget ng OVP para madepensahan ito.
Nabatid na sa 2027 budget ng OVP ay bumaba ito ng 11% o mula sa P889 million ngayong 2026 ay bumaba ito sa P785 million.
Pangunahing proyekto naman ng opisina ng bise presidente ang mga socio-economic programs para pantulong sa mga constituents.
- Latest




















