^

Pang Movies

Sam, naalala sa pagrampa ni Catriona sa VS

Nitz Miralles - Pang-masa
Sam, naalala sa pagrampa ni Catriona sa VS
Sam Milby
STAR/ File

Ang ex-boyfriend na si Sam Milby ang naisip ng ilang fans sa balitang dadalo si Catriona Gray sa Victoria’s Secret Fashion Show sa Los Angeles, California sa Oct. 19, 2026.

Sinayang daw ni Sam!

Anyway, lahat ay masaya sa pagdalo ni Catriona sa Victoria’s Secret.

Pinag-aawayan ng fans kung rarampa ba si Catriona o invited to watch the fashion show? Na-invite na rin in the past sina Pia Wurtzbach, Anne Curtis, and this year, si Catriona nga. Pero, malalaman natin this Sunday kung rarampa ba siya o manonood.

Kung anuman ang gagawin ni Catriona sa Victoria’s Secret Fashion Show, maging masaya na lang tayo. Ang iba kasi, hinahaluan na naman ng fan war. Pero, ang nakasulat sa announcement, “Special Guest Catriona Gray Representing the Philippines.”

Albie, ADHD din?!

Nanggigigil din si Albie Casiño sa mga host ng Machong Chismisan sa comment niya patungkol sa limang host na “Wala namang macho sa kanila. Chismisang supot dapat name ng podcast niyo.”

Naaliw ang nakabasa sa post na ito ni Albie at may mga nag-agree pa nga, may mga natuwa, pero may nam-bash din. Nakisawsaw lang daw ito sa isyu at tinawag pang starlet ang aktor.

Hanggang may nag-comment na hindi lang basta nakisimpatiya si Albie kay Joshua Aquino kaya siya nag-comment ng ganu’n. Naka-relate raw si Albie dahil may ADHD na ang ibig sabihin ay Attention-Deficit/Hyperactive Disorder.

Isa pang gigil sa hosts ng Machong Chismisan ay si Paolo Contis. Nakaka-dalawang comment na ito patungkol sa mga host. Ang unang comment, minura pa ang limang host.

“Ang comedy, dapat nakakatawa! Hindi nangungupal ng mga walang laban. Lahat na lang sasabihin para lang mag trend.. Isa lang ang tamang narinig ko dito.. T***ina nga ng episode niyo,” Nagsingit pa si Paolo ng quote na “This is foul. Don’t make fun of people who can’t defend themselves.”

Ang panibagong comment ni Paolo, ang sabi, “Ang ibang level yung kagag*han niyo.” Sagot din ito ng aktor sa pinag-usapan ng hosts ang level ng fame na nagdudulot ng pagiging uncancelable at comment na “Pwede ka nang manghipo ng bata.”

Pati sina Karen Davila at Bianca King, nag-react din sa controversial na pahayag ng mga host ng terminated na podcast.

SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with