Sen. Loren, nag-file ng extended medical leave
MANILA, Philippines — Muling naghain ng karagdagang extended medical leave si Senador Loren Legarda para sa Oktubre 12 hanggang 13, 2026, ayon kay Senate Secretary Rey Bantug.
Sinabi rin ni Bantug na wala pang isinumiteng kahilingan si Legarda para sa Nobyembre. Naka-leave na ang senador mula pa noong Agosto 3.
Huling nakita ang senadora sa Senado noong Hulyo 29, sa plenary session.
Nauna nang sinabi ng kampo ni Legarda na nagpapagamot ang senadora sa France para sa kondisyon sa baga at autoimmune condition, at naglalaan din ng panahon upang magpahinga dahil lumalala ang kanyang kondisyon kapag nakararanas ng stress o tensyon.
Matatandaan na inihayag ni Bantug na nananatiling epektibo ang kautusan na inilabas noong 2016 ng noo’y Senate President Franklin Drilon na nag-aalis sa pangangailangang humingi ng permiso sa Senate President para sa personal na paglalakbay ng mga senador sa ibang bansa.
- Latest






















