^

Police Metro

Mag-asawa na retiradong guro, kinatay  

Joy Cantos, John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang mag-asawa na retiradong guro na kap­wa senior citizen ang natagpuang patay matapos na sila ay ataduhin ng saksak at hatawin ng dos por dos ng mga suspek na pumasok sa kanilang tahanan sa Brgy. Poblacion 2, Banisilan, North Cotabato, kamakalawa.

Ang nasawing mag-asawa ay kinilalang sina Edwin Galeno, 81-anyos; at misis nitong si Elsa, 82-anyos.

Batay sa ulat ng North Cotabato Provincial Police Office (PPO), nangyari ang pagpatay sa mag-asawa sa loob ng kanilang tahanan sa pagitan ng alas-3:00 at alas-4:00 ng madaling araw.

Sa salaysay ng mga kapitbahay sa pulisya na sila ay naalimpungatan sa pagkakatulog nang sumisigaw ng   saklolo ang mag-asawa na kapwa  umiiyak.

Subalit, natakot silang puntahan ang tahanan ng mag-asawa upang alamin sana kung ano ang nangyayari kaya’t kinaumagan ay napunta at doon nakita ang bangkay ng mag-asawa.

Ang mag-asawa ay nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at palo sa kanilang mga ulo.

Narekober sa crime scene ang isang duguang patalim at isang piraso ng dos por dos na posibleng ginamit sa pamamaslang sa mag-asawa.

May natukoy ng “persons of interest” ang mga otoridad sa kaso habang patuloy ang masusing imbestigasyon upang mabatid ang motibo ng krimen at isa sa anggulo na sinisiyasat ay pagnanakaw.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with