^

Pang Movies

Patrick, pinagdudahan ang motibo ng pagsasalita!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Naglabas ng kani-kanilang pahayag at reaksyon ang kampo ni Jennylyn Mercado hinggil sa mga naging pahayag ng ex-boyfriend ng aktres na si Patrick Garcia sa panayam nito sa latest vlog ni Ogie Diaz sa YouTube uploaded last Tuesday.

Sa nasabing panayam ay maraming naging re­belasyon ang aktor hinggil sa nakaraang relasyon nila ni Jen kung saan nga ay nagbunga ito ng isang anak na si Alex Jazz.

Isa sa nilinaw ni Patrick ay hindi raw niya iniwan si Jennylyn noong buntis ito sa kanilang anak at ang aktres daw mismo ang unang lumayo sa kanya.

Sinabi rin niya na panay ang reach out niya noon kay Jen pero hindi ito sumasagot hanggang sa nalaman na lang niya na may bago na itong boyfriend, ang aktor/TV host na si Andrei Felix.

Tungkol naman sa kanilang anak, taong 2017 pa raw niya huling nakita si Jazz dahil hindi raw sumasagot si Jen sa lahat ng messages niya sa tuwing magri-reach out siya patungkol sa bata.

Sinabi rin ng aktor na 18 years niyang itinago ang kanyang side of the story at nagdesisyon siyang magsalita ngayon dahil in-encourage siya ng kanyang anak na si Michelle na naba-bash na raw dahil sa akusasyon ng netizens na wala siyang kwentang ama.

Bilang sagot, unang nag-post ng official statement ang management ni Jen na Aguila Entertainment kahapon, Miyerkules, Sept. 30.

Ayon sa statement, hindi na raw magbibigay pa ng pahayag o anumang interview si Jen tungkol sa naging pahayag ni Patrick.

“Our artist, Jennylyn Mercado, will not comment or grant any interviews regarding Patrick Garcia’s statements on Ogie Diaz’s YouTube channel. Everyone is entitled to share their story on whatever platform they choose,” simula ng statement

Nakasaad din na mas pinili na lang ng actress na huwag magsalita bilang respeto na rin sa kani-kanilang pamilya ni Patrick at nakiusap sa publiko na tigilan na ang pamba-bash sa pamilya ng aktor lalung-lalo na ang anak nitong si Michelle.

“In this case, Jennylyn would rather not share her side of the story out of respect for the privacy and peace of mind of both her family and Patrick’s.

“Jennylyn asks the public to stop the hate and refrain from bashing Patrick’s family, especially his daughter, Michelle.

“Rest assured that Jennylyn and her son, Jazz, are living a good and happy life with her husband, Dennis, daughter Dylan, and stepson Calix.

“Thank you,” saad ng management.

Hindi naman nakapagpigil ang mister ni Jen na si Dennis Trillo at nag-post ng pasaring kay Patrick.

Ang manager ni Jen na si Becky Aguila ay naglabas naman ng open letter para kay Patrick nitong Miyerkules din sa kanyang Facebook (FB) para idepensa ang kanyang alaga na itinuturing na rin daw niyang anak.

Matindi rin at tagos sa puso ang mga salitang binitiwan ni Tita Becky kung saan ay kinukuwestyon niya ang pagsasalita ni Patrick all at the expense of Jen and Jazz. Idiniin din niya ang malaking pagkukulang ng aktor sa mag-ina.
“Hi Patrick. Long time no see or talk/txt. Nakakabigla naman pasabog mo. I am posting this, not as Jen’s manager, but as her second mom.

“Why did u have to resort to an interview? Kahit wala na si Tita Lydia, andito pa naman ako.

“Ayokong makasakit at makasira ng image pero nasasaktan ako for Jen. Sa dami ng pagkukulang mo ke Jen lalo na kay Jazz, mas inintindi mo pa magpa interview to protect your daughter from bashers at the expense of Jen and Jazz. Nakalimutan mo yata that she is the mother of your child.

“Me concerns ka pala sana nag reach out ka na lang sa akin at maayos natin nailatag to with Jen and Dennis at madali naman sila kausap.

“There are a lot of things you did to hurt her, and never niya kwinento yun sa iba bilang respeto sa iyo at tatay ka ng anak ninyo at para sa pamilya mo rin na nananahimik na.

“Pero lahat yun naalala ko,” pahayag ni Tita Becky.

Kinontra rin niya ang mga pahayag ni Patrick na marami raw kulang at dagdag.

“Pasensya na Patrick pero yung truth mo maraming kulang at dagdag. Nanahimik na nanay mo, binuhay mo ulit ang issue and this is all on you.

“I hope nakatulong nga ito sa daughter mo.

“And hopefully you are satisfied with all the things you’ve done,” aniya.

For her final message to Patrick, saad ng manager, “All I can say is that you never deserved Jen’s love in the first place. And you will never earn my respect.”

Kinondena rin ng isa pang manager ni Jen na si Katrina Aguila ang ginawang pagsasalita ni Patrick.

“Bata pa lang ako nun, but I remember each time he made her cry.

“My Ate Jen deserves all the love in the world. Shame on you Patrick. I never liked you anyways,” saad ni Kat sa kanyang FB.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with