^

Pang Movies

Aktor na paminta, lumalandi na naman

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May inaawrahan pala ang pamintang hunk na ito kaya may bago siyang pakulo na sexy pictorial.

Sey ng source namin, nagtaka siya kung bakit bigla na namang sinipag mag-workout si pamintang hunk at gumastos pa ng malaki para sa bago niyang pictorial. “Alam ko kung kailan naglalandi ulit ang isang paminta. May ini-stalk kasi itong kapwa paminta.

“Biglang bumalik sa gym at nagpaborta. Nawala ‘yung katamaran niya sa workout. At nuknukan ‘yan ng kuripot para gumastos sa pictorial. Pero ngayon gumastos talaga para bongga ang mga pino-post niyang sexy photos sa social media,” chika ng source.

Nangyari na raw ito pitong taon na ang nakalipas. May nagustuhan noon si hunk na isang bagets na paminta na ini-stalk niya sa isang gym. Nag-post pa siya ng mirror selfie sa gym sa pag-asang i-follow siya ni bagets.

“In fairness, finollow naman siya ni bagets. Pero hanggang FaceTime lang sila. Magiging big issue kasi kung makita silang magkasama dahil 10 years ang age gap nila. Hanggang sa bumalik na sa Canada si bagets at hindi na sila nagkita in person. Medyo na-heartbroken si paminta,” dagdag pa ng source.

Ngayon, mukhang ganado na ulit si paminta dahil may bagong inspirasyon at balik-stalk na naman siya! 

SB19, tumutulong sa pagbuo ng ahensiya para sa local artists

Ginagamit ng SB19 ang kanilang impluwensya para mapabuti ang kalagayan ng kapwa creatives.

Nang parangalan ang P-pop Kings sa Senado noong nakaraang Lunes dahil sa kanilang makasaysayang pagtatanghal sa Lollapalooza noong July, ibinunyag ni Sen. Bam Aquino na tinutulungan siya ng grupo sa pagbuo ng isang panukalang batas para sa creative industry.

Matapos tanggapin ang parangal, nag-livestream ang grupo para ibahagi ang iba pang detalye tungkol sa naturang panukala.

“If you’re working for a creative industry, it’s hard to look for a sector dedicated for it.

“You should be considered as one of the gems of this country because you are trying to put out our experiences and our culture to the whole world,” sey ni SB19 Josh.

Si Aquino, na principal sponsor ng Senate Resolution na kumikilala sa SB19, ay sumaglit din sa livestream.

Ayon kay Aquino, dati na siyang nakipagpulong kina Pablo at Josh, kung saan ibinahagi ng dalawa ang mga problemang kinakaharap ng Filipino artists kapag lumalabas ng bansa, tulad ng issue sa visa.

Doon na nila naisip ang pagtatayo ng isang ahensya na katulad ng Korea Creative Content Agency, isang institusyon ng gobyerno na sumusuporta sa creative industries.

“We don’t have that. In the Philippines, if you’re an artist and you’re gonna fly, you’re on your own.

“The good news here, is that we’re filing the bill soon. We have support from the Department of Trade and Industry and once it’s done, we will have a Philippine agency for our creative economy which will support our artists who are going abroad,” sey ni Aquino.

Paraan daw ito to promote Philippine culture sa buong mundo. Umaasa siya na bago matapos ang taon ay tumatakbo na ang agency.

Madonna, kabogera pa rin

Nanalo si Madonna ng pitong awards kabilang ang Artist of the Year at Best Collaboration sa nakaraang 2026 MTV Video Music Awards (VMAs).

Sa pagtanggap ng Artist of the Year, nagbiro ang 68-year-old Pop Queen sa kanyang opening speech.

“Some of you were probably not born – but I performed at the first MTV Awards 43 years ago. Seriously, I really want you to know that I spent the last year and a half finding myself, believing in myself, and really making the music that I wanted to make. Thank you, MTV. Thank you, guys. Thank you.”

May total of 26 Moon Person trophies na si Madonna.

Si Taylor Swift naman ay ginawaran ng kauna-unahang Artist Director Honor at nanalo ng dalawang competitive awards, kabilang ang pinakamahalagang parangal ng gabi: Video of the Year.

Si Taylor pa rin ang most awarded artist ng VMAs with a total of 33 Moon Person trophies.

SB19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with