ICC, tinanggihan hiling ng kampo ni Duterte na ‘expert verification’

MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Trial Chamber III ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na magdagdag ng “expert verification” o karagdagang pagsusuri sa mga ebidensya na isinusumite sa korte.
Sa pitong-pahinang desisyong inilabas noong Setyembre 28, sinabi ng Chamber na ang hinihiling ng depensa ay hindi lamang simpleng pagdaragdag ng isang metadata field sa sistema ng korte.
Ayon sa ICC, layunin ng mosyon na gawing kinakailangan ang pagsasama ng ulat ng isang eksperto sa mga open-source at user-generated na ebidensya bago tanggapin at maisumite ang mga ito sa Chamber.
“Given the large volume of evidence that has been made available by the Prosecution in the present case, as well as the breadth of open source and user-generated evidence, if implemented, may in the event be unnecessary and could well have the effect of causing a needless delay to the start of the trial,” ayon sa ICC.
- Latest






















