Sexy star, binagayan ng retoke!
BUMAGAY ang retoke sa ilang parte ng mukha ng isang sexy star.
Gandang-ganda ang nakakakita sa kanya na para bang perfect ang dating, huh!
Pero ayon sa isang nakaalam sa background ng sexy star, may ilang binago sa bandang labi o nguso ng sext star!
Pero hindi lang ‘yun ang ginawa sa sexy star! Pinadagdagan din ang boobs niya kaya naman puwede nang magmalaki ang sexy star, huh!
Kung sa ibang sexy star eh halata ang mga ipinagawa sa mukha, puwedeng idenay ng sexy star na ito na natural ang ganda at kaseksihan niya!
Sassa lalaban kay Xyriel!
NAKU, baka mag-expect si Sassa Gurl na matalo niya sa Xyriel Manabat sa best actress category sa awards night ng Cine Panalo 2026, huh!
Bida si Xyriel sa entry na Stuck on You habang si Sassa ang bida sa entry na Multwoh (Patay na Patay sa Yo.).
Mas marami ang naglalaban sa Panalong Aktor kumpara sa aktres.
Teka, babae ba si Sassa? Basta ang alam namin, babaeng -babae si Zyriel!
Sa September 30 malalaman natin ang mananalo sa Panalong Aktres sa Gateway Cineplex na venue ang awards night!
- Latest
























