Alex, palakad-lakad na naka-panty!

Ayon kay Alex Gonzaga, hindi pa raw siya lumalabas ng bahay matapos niyang manganak sa first baby nila ni Mikee Morada na si Isaac noong Agosto.
Sa latest vlog ng aktres/content creator ay ipinakita niya ang baby room ng anak at siyempre, habang nagtu-tour ay tsika siya nang tsika.
Naitsika nga niyang magbuhat nang manganak siya ay hindi pa siya lumalabas ng bahay dahil siyempre, bising-busy siya sa pag-aalaga kay baby Isaac lalo’t nagpapa-breastfeed siya.
Sey pa niya, palakad-lakad lang daw siya sa bahay nila nang naka-topless para madaling mapa-dede ang kanyang baby. “Palakad-lakad ako dito sa bahay, dito sa 2nd floor – sabi ni Mikee, ‘may CCTV’ – nang hubo’t hubad, hindi, topless. Para ‘pag konting kibot (ni baby Isaac), ‘akin na ‘yan, isaksak n’yo na dito sa dede ko!’ natatawa niyang kwento.
Dagdag pa niya, “‘pag pala talaga, lalo na ‘pag manas na manas ka, hindi mo gustong makita kasi manas na manas ako, no, tapos, may mga tumutulong puti dahil ‘yung aking gatas, hindi n’yo rin gustong makita ‘yun. Walang ka-sexy-sexy.”
Palakad-lakad daw siya sa bahay nila nang naka-panty lang at walang pang-itaas. “Palakad-lakad ako dito, minsan,naka-panty lang and topless. Ganu’n lang ang aking atake for the past three weeks,” sey niya.
Basta ang daily routine raw niya ngayon ay padede, palit ng wipes, palit ng diaper sa buong maghapon. “’Yan ang ginagawa namin ni baby, pero masaya kami. Sobra kaming nag-e-enjoy sa isa’t isa,” saad ng bagong mommy.
RabGel, sumakses sa DAP!
Isang malaking tagumpay ang finale episode ng Viva One romantic drama series na Dating Alys Perez na pinagbibidahan ng RabGel tandem na sina Rabin Angeles and Angela Muji.
Napanood namin ang nasabing last episode sa special screening held at Eastwood Cinema 6 last Saturday kasama ang buong cast at direktor na si Crisanto B. Aquino.
Of course, ka-join din ang RabGel fans na talagang sumugod at pinuno ang buong sinehan para suportahan at mapanood nang sabay-sabay ang pagtatapos ng seryeng kanilang minahal.
Halos mabingi kami sa tilian ng fans sa mga nakakakilig na eksena nina Rabin at Angela especially ang mahabang kissing scene ng dalawa.
Needless to say, masayang-masaya ang RabGel fans sa happy ending ng serye at sa kilig scenes ng kanilang idolo.
During the talkback session ay natanong nga si Direk Crisanto kung ilang takes inabot ang long kissing scene ng dalawang bida
“One day, two cameras, 360,” ang sagot ng direktor.
Dagdag pa niya, “pero siyempre, before nag-360, merong naunang hindi naka-300. So, parang two or three times nilang inulit. Pero ‘yung pinakamahaba, of course, ‘yung 360.”
Natanong naman ang RabGel kung ano ang feeling nila matapos mapanood ang finale episode at ayon sa dalawa ay sobrang happy and thankful nila lalo na nga sa kanilang supporters.
Sey ni Angela, feeling nostalgic daw siya habang nanonood dahil parang kailan lang ay nag-premier lang sila ng Seducing Drake Palma, ang nauna nilang serye before Dating Alys Perez kung saan nga nagsimula ang RabGel loveteam.
“And I’m just so grateful for everything na parang ‘wow, this is actually real.’ Hindi pa nga siya nagsi-sink in, sa totoo lang. So, ayun. It’s just surreal to me,” sey ni Angela.
Nang matanong kung ano ang kanilang next project after DAP, anila ay meron na raw and this time, rom-com naman, pero hindi pa raw pwedeng sabihin ang detalye.
Samantala, dumalo rin sa finale episode special screening ang iba pang cast na sina Zeke Polina, Julienne Rosello, Gab Evangelista, Frost Sandoval, Mico Chua, Ethan David at ang creator na si Ariesa “Beeyotch” Domingo.
- Latest



















