^

Police Metro

Rider todas, angkas kritikal sa bangga

Arnell Ozaeta - Pang-masa
Rider todas, angkas kritikal sa bangga
Sa ulat, alas-1:20 ng madaling araw ay binabagtas ng motorsiklo ang isang kurbadang bahagi ng kalsada nang umano’y sumayad ito sa kongkretong poste, dahilan upang mawalan ng kontrol at tuluyang bumangga sa isa pang poste.
File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 26-anyos na motorcycle rider habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang angkas na 18-anyos matapos na sumalpok ang kanilang motorsiklo sa dalawang kongkretong poste sa Brgy. Taysan, San Pascual, Batangas, kahapon ng madaling araw.

Hindi na pinangalanan ang nasawing rider na lalaki habang nasa kritikal na kondisyon ang angkas nito na isa ring lalaki.

Sa ulat, alas-1:20 ng madaling araw ay binabagtas ng motorsiklo ang isang kurbadang bahagi ng kalsada nang umano’y sumayad ito sa kongkretong poste, dahilan upang mawalan ng kontrol at tuluyang bumangga sa isa pang poste.

Kapwa isinugod ang dalawa sa San Jose District Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ang rider habang nanatiling kritikal ang back rider.

Ayon sa pulisya, kapwa umano lasing ang dalawang lalaki nang mangyari ang aksidente.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with