3-day holiday sa NCR para sa ASEAN Summit
MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Nobyembre 16 hanggang 18, 2026 bilang special non-working holiday sa National Capital Region (NCR) kaugnay ng pagdaraos ng 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Metro Manila.
Batay sa Proclamation No. 1447 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto noong Setyembre 17, layunin ng suspensyon ng trabaho na maibsan ang matinding trapiko at matiyak ang seguridad ng mga dadalo sa summit.
“It is necessary to declare 16-18 November 2026 as special (non-working) days in the National Capital Region,” nakasaad sa proklamasyon. Ang nasabing petsa ay tumapat sa Lunes hanggang Miyerkules.
Ayon sa ASEAN 2026 national calendar, nakatakdang idaos sa Metro Manila ang ilang kaugnay na pagpupulong kabilang ang 16th ASEAN Maritime Forum sa Nobyembre 17 at 14th Expanded ASEAN Maritime Forum sa Nobyembre 18.
- Latest
















