^

Pang Movies

Sassa, proud na kasambahay ang ina

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sassa, proud na kasambahay ang ina
Sassa

Nag-share si Sassa Gurl ng magandang kuwento ng buhay nila ng kanyang ina. Mula sa simpleng nilang pamumuhay noon hanggang sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

Sa panayam ni Sassa Gurl with Kara David para sa video podcast na I-Listen, nagkuwento siya ng ­ilang nakatutuwa, pero tumatagos sa pusong mga alaala nila ng kanyang inang si Esther.

Ikinuwento ni Sassa na bago pa man siya isilang, nagtatrabaho na ang kanyang ina bilang kasambahay, kung saan nito nakilala ang kanyang ama. “Hindi pa ako pinapanganak, katulong na si Mama. Si mother kasi, umalis siya sa kanila 16 years old pa lang. Galing siyang Samar.

“Gusto niya kasing magtrabaho dito sa Maynila hanggang sa napunta siya sa bahay kung saan nakatira yung Papa ko. Tapos yung Papa ko kasi, parang yung may-ari ng bahay, kamag-anak ng Papa ko. Na-thirst trap niya ang Papa ko. Ayon na, ako na ‘yon,” tawa pa niya.

Inamin naman ni Sassa na noong una ay hindi niya maunawaan ang trabaho ng kanyang ina bilang kasambahay. Bukod kasi sa nakikitira sila sa bahay mismo ng amo ng kanyang ina, tila malapit din siya sa mga taong naroon. “Noong una, kasi siyempre, parang ano ako, lumaki ako doon. Pero minsan, nakikita ko na siya yung nagluluto, naglalaba. Eventually, na-gets ko na rin na may trabaho pala rito si Mama. Okay na-realize ko na kasambahay siya. Walang mali roon. Wala rin akong nakitang parang ikahihiya ko. Naintindihan ko naman,” buong pagmamalaking sinabi ni Sassa.

Buong-pusong suporta raw ang kanyang ina sa kanyang pagiging beki.

“Yes, nanay ko talaga yung supportive sa kabaklaan ko. Ang kinakatakot lang naman talaga niya ay mangyari sa ‘kin yung nangyari sa akin noong high school na may mam-bully ulit sa akin, na may nanakit sa akin. Pero sabi naman niya sa akin; kung saan ka masaya, at kung saan yung ikaliligaya mo kung sino ka talaga. Doon ako susuporta.”

Tom, may inamin sa pagiging intense sa trabaho

Maraming ni-reveal si Tom Cruise tungkol sa kanyang almost 50 years na acting career sa October issue ng GQ.

Nag-open up ang aktor sa kanyang pagi­ging intense sa set ng kanyang pelikula. ­

“Look, I work hard, and people that work with me, they know. I expect a lot and I’m up-front about it. It’s like, ‘The rumors are true. And do you want this?’

“Even when I was a kid, they were like, ‘Oh, come on, Tom. You’re so intense.’ I’m like, ‘I don’t know what to say. I am intense.’

“When I’m interested in something, I want to learn it. I want to understand it. And you want to blast through the confusion and kind of build up that ability.”

Tungkol naman sa death-defying stunts niya, hindi raw takot si Tom sa puwedeng mangyari sa kanya.

“I think you could look at my life and go: I like standing on the edge of a cliff physically and metaphorically. Meaning, I look at life as an adventure, and I always have, my whole life. Do I fear death? No. I don’t. It’s not like I’m not afraid. I don’t mind the feeling.

“I’m not afraid to feel afraid. I don’t know how else to say it. I’m not afraid to go, ‘Okay, I know this is a leap and let’s take the jump. Let’s go.’”

SASSA GURL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with