^

Police Metro

Kuya pinatay, tsinap-chop ng bunso

Joy Cantos - Pang-masa

Inilagay sa maleta at ice cooler

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 27-anyos na lalaki na matapos na patayin ng bunsong kapatid ay tsinap-chop pa ang katawan nito saka inilagay sa maleta at ice cooler naganap sa Zamboanga City, nitong Sabado.

Sa report ng Zamboanga City Police, kinilala ang nasawing biktima na si Raffy Muhalip Alam.

Isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang suspect na si Rashydy Muhalip Alam, 18-anyos at nakababatang kapatid ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang bangkay na tsinap-chop ay isinilid sa maleta at ice cooler ng suspect saka inabandona sa tindahan ni Nursida Habibain Juaini.

Laking gulat ni Juaini nang buksan ang maleta at ice cooler ay tumambad rito ang tsinap-chop na katawan ng biktima at inireport sa pulisya.

Sa pahayag ng ilang kamag-anak ng biktima madalas umanong magtalo ang magkapatid pero hindi nila sukat akalain na magagawa ng suspect na paslangin ang kuya.

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with