^

Police Metro

2 pekeng aleng pulis, tiklo sa kotong

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang babaeng nagpanggap na pulis ang inaresto nang ireklamo ng pangongotong ng isang 50-anyos na mister matapos umano siyang hingan ng malaking halaga ng pera kapalit ng pagbabasura sa umano’y isinampang kaso nitong rape sa isinagawang entrapment operation sa Lipa City, Batangas.

Sa ulat ng Lipa City Police, ang dalawang impostor na pulis ay nasakote sa aktong tinatanggap ang P100,000 sa kanilang binibiktimang mister sa loob ng isang convenience store sa lungsod.

Sa imbestigasyon ang nasabing mister ay kinaibigan umano ng isa sa mga suspect sa online na nakipagkasundong makikipag-sex sa naturang lalaki.

Gayunman, ayon sa biktima ay hindi niya akalain na ang kasunduang pakikipag-sex sa kaniya ng nasabing babae ay gagamitin pala nito para i-blackmail siya sa panakot na sinampahan siya ng kasong rape at kung ibabasura ito ay kailangan niyang magbayad ng nasabing halaga.

Sinabi ni Lipa City Police Chief P/Lt. Col. Aleli Buaquen, naka-chat ng nasabing mister ang isa sa mga suspect para umano sa sekswal na serbisyo at ng makumbinse ang lalaki ay nagkita ang mga ito pero laking gulat ng nasabing mister dahilan maganda umano ang larawan ng suspect sa social media pero pangit ito sa personal at dito na nagkaroon ng pambla-blackmail na isusumbong umano niya ang naturang mister.

Naibigay na ng mister ang nasabing P100,000 sa mga suspect na nagpanggap na pulis ng makipagkita sa kaniya pero hindi ang mga ito tumigil at muling humihingi ng perang dagdag kaya napilitan na itong dumulog sa pulisya.

Ikinasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang babae na nadiskubreng mga pekeng pulis.

LIPA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with