^

PSN Opinyon

Sino ba talaga ang makikinabang?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Kinukuwestiyon ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ang Department of Agriculture (DA) sa panawagan nitong dagdagan ang pondo para sa pagpapalawak ng produksyon ng palm oil sa bansa. Para sa UMA, hindi ang maliliit na magsasaka ang tunay na nakikinabang sa industriyang ito, kundi malalaking korporasyon.

Ayon kay Ariel Casilao, chairperson ng UMA, malinaw umano ito sa kanilang pinakahuling pag-aaral tungkol sa pagpapalawak ng oil palm sa Palawan.

Sabi ni Casikao, may mga kooperatiba ng magsasaka na may growership agreement sa Agumil na nakakatanggap lamang ng P2.70 hanggang P3.00 kada kilo ng fresh fruit bunches (FFBs) ng palm oil. Ang masakit, malayo ito sa P6 kada kilo na floor price na nakasaad umano sa kanilang kasunduan sa Agumil.

Kung ikukumpara, mas mataas ang presyo sa Sambas, Kalimantan, Indonesia. Umaabot umano sa IDR 2,400 o P8.40 kada kilo ang presyo ng FFBs sa bukid at IDR 3,200 o P11.21 kada kilo kapag dinala sa mill. Ibig sabihin, halos doble ito sa P6 kada kilo na nakasaad sa kontrata sa mga kooperatiba sa Palawan.

Hindi rin ito bagong usapin. Noong 2021, iniulat ng WDC/KINABUHI Network, bahagi ng network ng UMA sa Bohol, na ang FFBs ng mga palm oil farmer ay binibili umano ng Palm Inc., na pag-aari rin ng Agumil, sa halagang P2.00 hanggang P3.80 kada kilo.

At hindi lang presyo ang problema.

Ayon sa UMA, inuupahan din umano ng Agumil ang lupang pag-aari ng mga magsasaka sa Palawan at Bohol sa mababang halaga: P1,000 kada ektarya bawat taon sa unang limang taon; P2,000 sa susunod na anim hanggang sampung taon; at P3,000 mula ika-10 taon pataas.

Sa unang limang taon, katumbas lang ito ng halos P83 kada buwan bawat ektarya.

Kaya ang tanong ni Ka Ayik: Bakit kailangang dagdagan ng DA ang pondo para sa pagpapalawak ng palm oil kung ang malaking pakinabang ay napupunta naman sa mga korporasyon, habang kapos sa kita ang mismong mga magsasaka?

Kung pera ng bayan ang gagamitin, dapat unang makinabang ang magsasaka—hindi ang korporasyon.

Disclaimer: Ang mga pahayag at datos sa artikulong ito ay batay sa impormasyong ibinahagi ng UMA. Inilalahad ito para sa pampublikong impormasyon at hindi bilang pinal na konklusyon. Ang mga panig na nabanggit ay may pagkakataong magbigay ng kanilang panig at paglilinaw

DA

UMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with