^

PSN Palaro

Back-to-back crown hangad ng Creamline

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Back-to-back crown hangad ng Creamline
Lalabanan ng 11-time PVL champion Cool Smashers ang Chameleons sa ganap na alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng nagdedepensang PLDT High Speed Hitters at guest squad EST Cola ng Thailand sa ala-1:30 ng hapon.
STAR / File

MANILA, Philippines — Bubuksan ng Creamline ang kampanya sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Confe­rence sa pakikipagtuos sa Nxled bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Lalabanan ng 11-time PVL champion Cool Smashers ang Chameleons sa ganap na alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng nagdedepensang PLDT High Speed Hitters at guest squad EST Cola ng Thailand sa ala-1:30 ng hapon.

Sa huling laro sa alas-6:30 ng gabi ay magkikita ang Farm Fresh Foxies at guest team Ho Chi Minh City ng Vietnam.

Nagmula ang Creamline sa pagrereyna sa nakaraang PVL All-Filipino Conference kung saan nila tinalo ang Cignal sa finals at pakay ang back-to-back crown sa pagsabak sa Invitational Conference.

Dalawang beses inangkin ng Cool Smashers ang Invitational Conference crown noong 2022 laban sa guest team King Whale Taipei at noong 2024 kontra sa HD Spikers.

Ipaparada ng Creamline ang nagbabalik na si Jaja Santiago (Sachi Minowa), habang muling hahataw para sa Nxled si Fil-Am spiker Brooke Van Sickle na hindi naglaro sa maikling PVL On Tour dahil sa pagrekober sa injury.

Bukod kina Valdez at Santiago ay muli ring aasahan ng Creamline sina Jema Galanza, Tots Carlos, Pangs Panaga, Bea De Leon at Kyle Negrito.

Hindi lalaro ang mga miyembro ng Alas Pilipinas Women na sasabak sa darating na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with