^

Probinsiya

4 hepe ng pulisya sa Laguna, binalasa

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
4 hepe ng pulisya sa Laguna, binalasa
Kabilang sa apat na municipal police stations na apektado ng reshuffle ay ang Famy, Kalayaan, Santa Maria at bayan ng Liliw, ayon kay Col. Sandro Jay Tafalla, Laguna police director.
STAR / File

LAGUNA, Philippines — Apat na chief of police ang pinalitan mula sa kani-kanilang posisyon bilang bahagi ng patuloy na reshuffle at realignment sa Philippine National Police sa lalawigang ito, kahapon.

Kabilang sa apat na municipal police stations na apektado ng reshuffle ay ang Famy, Kalayaan, Santa Maria at bayan ng Liliw, ayon kay Col. Sandro Jay Tafalla, Laguna police director.

Pinalitan sina Majors Elmer Aguila, Famy police chief, Reymond Austria, ng Kalayaan police station; John Patrick Delos Santos, ng Santa Maria, at Ajalino Balaoro, ng Liliw police station, nina Majors Smady Antad, Gloria Baliuag, Ronald Jayson Dres at Joseph Dacullo, ayon sa pagkakasunod. Ang simpleng turnover ceremony ay pinangunahan ni Col. Tafalla na ginanap sa Multi-Purpose Center, Camp Brig. Gen. Paciano Rizal sa Barangay Bagumbayan, Sta. Cruz, Laguna, kahapon.

Pinaalalahanan ni Tafalla ang apat na bagong pinuno ng pulisya na patuloy na palakasin ang operasyon ng pulisya at panatilihin ang mahigpit na koordinasyon sa mga local government unit partikular sa kani-kanilang mga lokal na alkalde, community stakeholders at tiyaking mananatiling responsive at accessible ang serbisyo ng pulisya sa publiko.

Ang reshuffle ay bahagi ng tuluy-tuloy na pag-realign ng PNP sa kanilang mga pulis, idinagdag pa upang ma­bigyan ng pagkakataon ang iba pang kwalipikadong pulis upang ipakita ang kanilang pamumuno at responsibilidad sa kani-kanilang lugar na nasasakupan.

Habang ang mga outcoming chief of police ay pinalitan dahil sa kani-kanilang career advancement at iba pang makabuluhang dahilan.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with