^

Police Metro

DepEd, ‘out of control’ sa karahasan sa paaralan - solon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mistulang “out of control” ng Department of Education (DepEd) sa mga nangyayaring karahasan sa mga paaralan.

Ito ang pahayag ng isang solon sa Mindanao na matindi na ang pagkabahala sa sunud-sunod na mga karahasan na kumitil na ng buhay ng mga estudyante sa high school.

Ayon kay Lone District Agusan del Norte Rep. Dale Corvera, ang mga karahasan sa mga eskuwelahan ay maraming masalimuot na kadahilanan na hindi lamang sanhi ng Roblox, bullying, online radikalisasyon at iba pa.

Inihayag ng solon na isang usapin na din ng seguridad ang mga nangyayaring karasahan sa mga eskuwelahan na ang panghuli ay sa Ateneo de Zamboanga University, Junior High school campus na ikinasawi ng Grade 10 student at ng shooter na Grade 9 na nag-suicide habang dalawa pa ang nasugatan noong Agosto 18.

Sinabi ni Corvera na kabilang din dito ang usapin ng kalusugan ng kaisipan, disiplina sa mga estudyante.

Binigyang diin ng kongresista na ang karahasan sa mga eskuwelahan ay nangangailangan ng pagtutulungan ng komunidad at ng mga inter-agency ng pamahalaan para umaksiyon at tulungan ang DepEd.

DEPED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with