^

Punto Mo

Gen. Abrahano, bagong NCRPO director!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

And the winner is! Surprise, surprise! Congrats kay Brig. Gen. Christopher Abrahano, ang bagong director ng National Capital Region Police Office. Pormal na nanungkulan kahapon as NCRPO chief si Abrahano matapos ang simpleng turnover ceremony sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City. Pinalitan n’ya si Maj. Gen. Anthony Aberin na nanaog na sa puwesto matapos marating ang edad na 56, ang mandatory retirement age ng PNP. Winner talaga si Abrahano, kasi mga kosa, wala naman s’ya sa mga umuugong na uupo sa NCRPO. ‘Ika nga, wala s’ya sa consideration. Nakatago lang! Subalit sa last minute noong Sabado, biglang umalingawngaw ang pangalan ni Abrahano, at wala na itong turning back. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Maging ang mga kosa ko ay nakatuon ang atensiyon sa mga kandidato na sina Maj. Gen. Ponce Rogelio “Pojie” Pe?nes Jr, ng PNP Directorate for Operations; SAF Commander Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, at PRO1 director Brig. Gen. Jovencio Badua. May iba pang binabanggit subalit hindi masyadong binigyan pansin. Si Abrahano? Ni hindi nga kasama sa ugong. Ni isang nilalang walang bumanggit sa kanya sa katanungan ko sa mga kosa ko kung sino ang bet nila.

Sa pagkaalam ko, si Pe?nes ang itinutulak ng Camp Crame kaya lang bago ilabas ang order may tumawag. Araguyyyyy! ‘Wag n’yo na ako tanungin mga kosa kung sino ang “outside influencer” dahil kahit pitpitin n’yo pa ang bayag ko ‘di ko talaga sasabihin. Teka, teka! Linya ‘yun ni idol Mon Tulfo ah? Ang kasalanan lang ni Pe?nes ay hindi s’ya Ilokano. Ang sakit naman sa bangs nito! Mukhang malayo ang marating nitong si Abrahano. Purbidang yawaahhhhh! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Si Abrahano, na tubong Sta. Barbara, Pangasinan, ay miyembro ng PNPA “Kaagapay” Class of 96. Ruling class na ang ’96? Naging hepe s’ya ng Dagupan police, at provincial director ng Ilocos Norte, tulad ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. Naging director din s’ya ng PNP Aviation Security Group, bago naging Regional Director ng Caraga Region. Noong 2025, itinalaga s’ya bilang hepe ng CIDG, noong panahon ni ex-PNP chief Gen. Nicolas Torre. Naging hepe din s’ya ng Area Police Command Visayas, bago tumulak papuntang PRO10. Halos naikot na rin ni Abrahano ang buong Pinas, no mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Dahil OIC lang s’ya, nasa evaluation stage ang liderato ni Abrahano. Kapag pumasa s’ya rito, gaganda na ang tsansa n’ya. Abangan!

NCRPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with