^

PSN Showbiz

Bianca at Mika, priority ang ngipin

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bianca at Mika, priority ang ngipin
Dr. Sam Bernardo, Mika Salamanca at Bianca De Vera
STAR/ File

Pinatutunayan ni Dr. Sam Bernardo na sa showbiz, ang isang may bonggang ngiti ay higit pa sa bahagi lamang ng hitsura ng isang artista—maaari rin itong maging isang plataporma para sa pagtataguyod ng mas mahusay na kalusugan ng bibig.

Sa kasalukuyan ay lumalakas ang CEO ng Awesam Smile Dental Clinic entertainment scene habang mas maraming kilalang personalities at young celebrities ang nagi­ging bahagi ng lumalaking listahan ng mga ambassador ng kanyang dental clinic.

Kabilang sa kanila sina Mika Salamanca, Bianca de Vera, Jaz ng G22, at Daniel Matsunaga, na kamakailan ay sumama kay Dr. Bernardo sa grand opening ng 9th branch ng clinic sa Venice Grand Canal Mall sa Taguig.

Si Daniel ay nananatiling isa sa mga personalidad na pinakamalapit sa kwento ng Awesam Smile, bilang unang endorser. “I was the first endorser of Awesam,” Matsunaga previously shared, recalling his connection with Dr. Bernardo from the clinic’s early days.

Sa kasalukuyan ay nakatutok ang spotlight ng Awesam sa younger generation of personalities led by Mika Salamanca and Bianca de Vera.

Si Mika, na naging isa sa mga newest face ng Awesam Smile of celebrities and digital personalities whose smiles are constantly seen on television, social media and public appearances.

At kamakailan ay ipinakilala siya ng Awesam Smile bilang isa sa mga ambassador nito.

Samantala, binanggit din ni Bianca    ang kahalagahan ng pag-aalaga ng kanyang ngiti. Sa isang interview recently, tinalakay niya ang kalusugan ng bibig at kung ano ang nagpapangiti sa kanya nitong mga nakaraang araw.

Ang lumalaking koneksyon sa personalities ay naglalagay kay Dr. Bernardo upang maging mas in demand kung saan pinag-uugnay ang dentistry, kagandahan at showbiz habang ginagamit ang kasikatan ng kanyang mga ambassador upang gawing mas madaling maunawaan ng mas malawak na market ang mga usaping pangkalusugan sa bibig.

Ngunit para kay Dra. Bernardo, ang layunin ay hindi lamang ang lumikha ng mga perpektong ngiti.

“Dental care should never be a luxury. It’s a basic need, and I’ll keep working to make it available to everyone,” she said.

She has likewise reminded patients not to choose dental procedures simply because they are cheaper, particularly when it comes to braces and other long-term treatments.

“Invest in your oral health. Kasi ang oral health, ang ngipin natin hindi lang ‘yan parang pampaganda or ngiti lang,” Bernardo said, stressing that healthy teeth are important not only for appearance but also for everyday functions such as speaking and eating.

At habang maaaring makuhanan ng mga kamera ang perpektong ngiti ng isang celebrity, nais ni Dr. Bernardo na manatiling malinaw ang mensahe nito: ang isang magandang ngiti ay nagsisimula sa malusog na ngipin at wastong pangangalaga sa ngipin.                   

BIANCA

MIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with