^

Police Metro

Gumuhong pader sa EDSA gawa sa hardiflex – Dizon

Ludy Bermudo - Pang-masa
Gumuhong pader sa EDSA gawa sa hardiflex – Dizon
The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) reported a collapsed wall along the EDSA-Ayala northbound lane at 8:55 PM on August 8, 2026.
Facebook/MMDA

MANILA, Philippines — “Hindi ito semento. Hardiflex lang ito, drywall lang ito. Parang, ang nangyari rito, kung sino man ang gumawa nito, pinapalabas nila na semento, pero hindi naman pala semento.”

Ito ang naging puna ni  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa paggamit ng substandard na materyales kasunod ng pagbagsak ng pader sa EDSA Ayala northbound sa gilid ng Ayala Forbes Park sa Makati City nitong Sabado ng gabi sa kasagsagan nang malakas na ulan sa Metro Manila.

Ininspeksyon ni Dizon ang lugar kasama si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III, at sinabing ang gumuhong bahagi ay tila hindi gawa sa konkreto.

“May lupa. Siyempre, kung uulan nang malakas, tuluy-tuloy, mapupuno ng tubig ‘yong lupa, bibigat ‘yong lupa, bibigay ‘yan. Kasi nga, ano lang, ito lang. Ito, pwede kong putulin ito (Hardiflex) e. Pinutol ko na nga ito sa kamay ko,” wika ni Dizon.

Ang pader ay tila dagdag lamang sa umiiral na pro­perty wall at hindi isang government-owned structure.

Aalamin ng mga otoridad kung sino ang kinomisyon para sa karagdagang istruktuta at kung kailan ito itinayo.

Nagbabala naman si Dizon na maaari pa ring bumigay ang na­lalabing bahagi ng pader.

EDSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with