^

Metro

147 huli sa anti-criminality ops ng QCPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot sa 147 katao ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkakahiwalay na operasyon laban sa ilegal na droga, mga wanted person, ilegal na baril, at ilegal na sugal na isinagawa mula Hulyo 26 hanggang Agosto 1.

Sa 38 anti-illegal drugs operations, 53 suspek ang naaresto at nakumpiska ang tinatayang P710,460 halaga ng ilegal na droga. Sa manhunt operations naman, nadakip ang 60 wanted person, kabilang ang 21 most wanted at 39 iba pang pinaghahanap ng batas.

Dalawa namang indibidwal ang naaresto sa dalawang operasyon laban sa ilegal na baril, kung saan nasamsam ang dalawang baril. Sa 19 anti-illegal gambling operations, 32 katao ang naaresto at nakumpiska ang P9,812 na pinaghihinalaang pustahan.

Kabilang sa mga nadakip sina alyas “Glory” at “Mike” ng Cubao Police Station 7 na nahaharap sa kasong grave coercion, alyas “Ahil” ng Fairview Police Station 5 na wanted sa kasong theft, at alyas “Garry,” ikaapat na most wanted person ng Galas Police Station 11, na naaresto dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay QCPD District Director PBGen Randy Glenn Silvio, ipinakikita ng mga operasyon ang patuloy na pina­igting na kampanya laban sa kri­minalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod. Ang lahat ng naaresto ay nahaharap sa kaukulang kaso dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165, Republic Act No. 10591, at Presidential Decree No. 1602.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with