^

PSN Showbiz

Fatal Attraction ang naalala...Barbie, nagpaka-wild!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Fatal Attraction ang naalala...Barbie, nagpaka-wild!
Barbie Forteza

Aminado si Barbie Forteza na ibang-iba siya sa pelikulang Saving Cherry ng Regal Entertainment na mapapanood sa September sa mga sinehan, nationwide.

Talagang all out, mga eksenang hindi niya pwedeng gawin sa TV.

Hindi raw ito si Barbie, kundi si Cherry na wildest virgin on earth.

Marami siyang mga nakakagalit na mga salita, nagmumura,  daring, at niloko ng asawa.

Pasabog in short. Milestone in her career sabi pa ng isa sa kasama niya sa Saving Cherry na si Mikee Quintos. “Ibang level, pero excited sila. They’re excited to see this kasi ibang Barbie ito. Pero, alam ko rin naman na pelikula siya, alam ko rin na gagastos ang manonood dito. And so, I made sure kahit papaano na maging worth it ang bayad nila kasi hindi nila mapapanood sa free tv ang mga ginawa ko rito,” pag-amin ng Kapuso actress kahapon sa ginanap na media conference ng pelikula.

Last year pa ini-offer sa kanya ng Regal ang Saving Cherry na kahit shocking aniya ang mga gagawin niya ay mabilis siyang nag-commit.

Na kahit daw si Gabbi Garcia ay nagulat na tinanggap niya ito. Kasama niya sa pelikula ang karelasyon for nine years ni Gabbi  na si Khalil Ramos.

Kahit sa napanood naming trailer kahapon, iba nga, ang lala. Itinodo ng actress.

Pero masaya ang reaction, walang nangu­ngu­westyon.

“Sobrang na-appreciate ko ang Regal Entertainment and Direk Ivan (Payawal). Sobrang layo ‘yung comparison, pero naalala ko lang, nagkaroon ako ng Glenn Close moment. Kasi si Glenn Close before Fatal Attraction, hindi siya nakikita na kaya iportray ang ganun na role hanggang pinilit niya, na-push niya for herself to do it. Let me read, kung ayaw n’yo pa rin, sige at least nakita n’yo ako sarole. So, na-appreciate ko ang Regal and Direk Ivan kasi nga this is something that I’ve never done before, and nakita nila na kaya ko.

“So, having that level of trust and support from them, na sila talaga gumastos and pondo ng pelikula na ito. Para sa akin? Grabe rin. Yun level of commitment ko rin sa kanila, hindi matata­rawan,” sabi ni Barbie na kakatapos lang mag-birthday.

Sa nasabing media conference rin inamin ni Barbie na sa Las Vegas niya gustong pakasal para may divorce. Aside from Mikee, Khalil, kasama rin sa pelikula sina Sassa Gurl, Mika Salamanca, AC Bonifacio, JC Alcantara under the direction of Ivan Andrew Payawal.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with