^

Probinsiya

Comelec tumanggap ng P50 milyon donasyon sa Dasma?

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

‘Conflict of interest’ sa special election

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nababalutan ng kontrobersya ang nakatakdang espesyal na halalan para sa bakanteng posisyon sa pagka-kongresista ng ika-4 na distrito ng Cavite dahil sa umano’y “conflict of interest” kasunod ng lumutang na P50-milyong donasyon ng Dasmariñas City sa Commission on Elections (Comelec).

Samu’t saring reaksyon ang nanggaling sa mga indibiduwal at mga tagasuporta ng magkabilang partido, na viral sa mga social media platform.

“Okay lang sana kaso kandidato si mayor at ang vice-mayor na nag-abot ng donasyon ay anak ng mayor,” komento ng isang netizen.

Sinasabing local govern­ment unit ng Dasmariñas ay nag-donate ng malaking halaga sa Comelec, kamakailan, na nagresulta sa isang kontrobersyal na isyu na nagdulot ng makabuluhang debate sa publiko.

Ang donasyon ay itinurn-over umano ni acting Mayor Elpidio Barzaga III, ngunit, ang incumbent City Mayor na si Jennifer Barzaga, na pansamantalang tumabi dahil kumakandidato, gayunpaman, nananatili siyang kilalang figurehead.

Si Jennifer Barzaga ay tumatakbo sa pagka-kongresista sa espesyal na halalan sa Agosto 30, 2026 sa nasabing distrito, kasama ang limang aspirante kabilang ang dating tatlong beses na naging vice mayor na si Rex Mangubat.

Si Mangubat ang una sa mga aspirante na naghain ng kanyang COC sa harap ni Cavite­ Provincial Election Supervisor lawyer Mico Morales-Castro at Dasmariñas City Election Officer lawyer Mohammad Sarapuddin sa AVR ng Socio-Economic Buil­ding ng New City Hall.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with