^

Police Metro

Kelot dedo sa saksak ng ka-live in

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inatado ng saksak ang isang vendor ng kanyang live-in partner sa gitna ng kanilang pagtatalo, kahapon ng madaling araw sa ­Quezon City.

Nasawi noon din ang biktimang si Bryan Paulo Refil, 29, habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Julia Amaga, 23, kapwa residente ng Brgy. Gulod, Novaliches ng lungsod.

Sa salaysay ng isang kapitbahay sa pulisya, bago nangyari ang krimen, alas-3:00 ng madaling araw ay narinig niya na nagtatalo ang biktima at suspek hanggang sa makita niya tumatakbo ang una na duguan ang katawan na hinahabol ng suspek.

Pagbagsak ng biktima ay sunud-sunod pa rin na inundayan ito ng mga saksak ng suspek at nang masiguradong patay na ay pinagsisipa niya ito.

Agad nakaresponde ang mga tauhan ng QCPD Police Station 4 at inaresto ang suspek.

Nabatid na apat na taon nang nagsasama bilang mag-asawa ang biktima at suspek na kinasuhan ng murder.

­QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with