^

Probinsiya

Call center agent na missing, natagpuang patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Call center agent na missing, natagpuang patay
Ang biktima ay positibong kinilala ng kaniyang inang si Bernadeth Gabaleo na ang anak nitong ilang araw ng nawawala na si Jobert Gabaleo.
File

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang call center agent na ilang araw nang nawawala sa isang liblib na lugar sa Brgy. Bawing,­ General Santos City ­nitong Biyernes, ayon sa ulat kahapon.

Ang biktima ay positibong kinilala ng kaniyang inang si Bernadeth Gabaleo na ang anak nitong ilang araw ng nawawala na si Jobert Gabaleo.

Sa ulat ng General Santos City Police, ang biktima ay umalis sa boarding house nito sa Brgy. Tambler ng lungsod may ilang araw na ang nakalilipas at nabigo ng makauwi kaya inireport na nila sa pulisya ang pagkawala nito.

Nitong Biyernes dakong alas-5:30 ng umaga ay nagresponde sa lugar ang mga operatiba ng pulisya matapos na isang lalaki ang madiskubre ang bangkay sa Brgy. Bawing, General Santos City.

Sa isinagawang inis­yal na imbestigasyon ng pulisya ay wala namang nakitang foul play sa pagkamatay ng biktima.

Isang sulat din ang nakita sa tabi ng bangkay ng biktima para sa kaniyang pamilya bagaman hindi na idinetalye ng pulisya kung ano ang nilalaman nito sa pakiusap na rin ng mga naulila nitong mahal sa buhay.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with