Amazing facts tungkol sa kambal
1. Kapag ang identical twins ay parehong nagkaanak ng identical twins, ang kanilang mga anak ay maituturing na “magkapatid” at “magpinsan”. Dahil magkapareho ang DNA ng identical twins, ang mga anak nila ay genetically halos magkapatid ang relasyon kahit legal na magpinsan sila. Sa genetics, ang ganitong mga first cousins ay may antas ng pagkakamag-anak na halos katumbas ng magkakapatid dahil halos iisa ang genetic contribution ng kanilang mga magulang.
2. Ang identical same-sex twins ay mas mahaba ang buhay kaysa fraternal same-sex twins. Pero sa pangkalahatan, mas mahaba rin ang buhay ng mga kambal kaysa sa general population. Ayon sa ilang pag-aaral, ang mga kambal, lalo na ang identical twins, ay kadalasang nabubuhay nang mas matagal. Pinaniniwalaang nakatutulong dito ang matibay nilang samahan at emosyonal na suporta sa isa’t isa na nakababawas ng stress. Ang identical twins ay nagmula sa iisang fertilized egg kaya halos magkapareho ang kanilang hitsura at DNA, samantalang ang fraternal twins ay nagmula sa dalawang magkaibang itlog kaya maaari silang magkamukha o hindi, katulad lamang ng ordinaryong magkapatid.
3. Noong 2009, naging palaisipan sa mga imbestigador ang isang pagnanakaw ng mga alahas dahil sa identical twins. sSa isang kasong kinasangkutan ng pagnanakaw ng mga alahas na nagkakahalaga ng humigit-kumulang $6.8 milyon, natukoy ng DNA evidence na isa sa dalawang identical twins ang sangkot. Ngunit dahil halos magkapareho ang kanilang DNA profile, hindi matukoy ng mga awtoridad kung sino sa dalawa ang tunay na gumawa ng krimen. Dahil sa kakulangan ng ibang matibay na ebidensiya, naging mahirap ang pagsasampa ng kaso. Sa kabilang banda, ang fraternal twins ay may magkaibang DNA kaya madaling matukoy kung sino ang may sala. (May karugtong)
- Latest















