^

Police Metro

2 estudyante natupok sa sunog

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang estudyante ang nasawi habang isa ang nasugatan matapos hindi makalabas sa nasusunog nilang boarding house sa Purok 1, Sitio Pag-Asa, Brgy. Rawis, Legazpi City, Albay, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina alyas “Jer”, re­sidente ng Brgy. Tablak, Matnog, Sorsogon; at alyas “Willy”, ng Masbate City, Masbate dahil sa tinamong­ 2nd degree burn. Ang na­sugatan ay si alyas “Jan”, 18-anyos, residente ng Brgy. Rawis, Libon, Albay na kapwa mga estudyante ng Mariners Polytechnic Colleges Foundation-Legazpi City.

Sa ulat, ala-1:48 ng madaling araw nang magliyab ang katabing isang law office at tatlong kotseng nakaparada.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang tinutuluyang boarding house ng mga biktima na nasa kasarapan nang tulog.

Nagising ang mga ito sa init at ingay ng mga ka-boardmates, subalit dahil sa malaki na ang apoy ay hindi agad nakalabas ang dalawa.

Sa retrieval operation ay natagpuan ang mga biktima sa loob nang nasunog na bahay na walang malay at agarang isinugod sa pa­gamutan pero ideneklarang dead-on-arrival ang dalawa.

Faulty wiring ang tiniting­nan ng BFP na naging sanhi ng sunog.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with