^

Pang Movies

AshDres, buwag na?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
AshDres, buwag na?!
Andres at Ashtine
STAR / File

Dadalhin ng Viva Entertainment sa Hong Kong ang Vivarkada: The Ultimate Fancon and Grand Concert. Mangyayari ito sa Sept. 27, 2026 sa Hong Kong, wala pa nga lang venue.

Kasama sa performers sina Bea Binene, Wilbert Ross, Rabin Angeles, Angela Muji, Zeke Polina, Rhen Escaño, Nicole Omillo, Aubrey Caraan, Lance Carr at Joseph Marco. May special performance si Rob Deniel.

“Get ready to party, sing, and meet your favorite Viva stars LIVE! An unforgettable night of music, fun, and amazing performances!,” ayon sa kanilang story.

Tanong ng AshDres fans nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach, bakit hindi kasama sa line-up ang dalawa? For sure may sagot dito ang Viva.

Angel at Mariel, may lihim na away?!

Parang gusto ng netizens mag-away sina Angel Locsin at Mariel Rodriguez at ang dahilan ay si Senator Robin Padilla.

Ni-like kasi ni Angel ang post sa isang website tungkol sa pag-a-unfollow ni Mariel sa kanila ni Anne Curtis. Paniwala ng mahilig sa away, simula na iyon ng silent war ng dalawa.

Obvious na hindi nagustuhan ni Mariel ang pagko-call out ni Angel kay Robin, kaya in-unfollow sina Angel at Anne. Nakita ni Angel ang post na iyon at kanyang ni-like.

Kanya-kanya ng comment ang netizens, may kampi kay Angel dahil wala raw masama sa ginawa nito.

Sabi naman ng kampi kay Mariel, hindi maganda ang ginawa ni Angel at lalo lang nito pinag-iinit ang sitwasyon. Dinagdagan daw ng ginawang pagla-like ni Angel ang isyu at kung anuman ang nararamdaman ni Mariel.

Wala pang reaksyon si Anne sa pag-a-unfollow sa kanya ni Mariel sa Instagram at ang pagla-like ni Angel sa post sa pag-a-unfollow ni Mariel sa kanila ni Angel.

Vice, gumagawa ng paraan para makaayos si Jessica?!

Nakakita ng sign ang netizens na magkakaayos na sina Jessica Soho at Vice Ganda dahil sa nangyari sa isang episode sa It’s Showtime.

Tanong ni Vice sa isang contestant: “Sino ang gusto mong makasama sana as a broadcaster or journalist?”

Sagot ng contestant: “Si Ma’am Jessica Soho po.”

Sagot ni Vice sa contestant: “Yes, we love Jessica Soho, right? She’s very good.”

Nag-viral sa X ang sinabing ‘yun ni Vice at positive ang reaksyon ng netizens. Sana raw, maging daan ‘yun para matapos na ang isyu sa dalawa na nangyari noong 2013.

Comment na “I feel like malapit na sila mag usap. God’s perfect time,” “One of the things na hinihintay ko ang magkatagpo sila parehas sa isang show. Sa It’s Showtime man or sa KMJS mismo o kahit sa vlog ni Vice.”

May nag-comment pa ng “I would love to see Vice Ganda and Jessica Soho to reconcile and to interview each other.”

“I hope Jessica Soho and Vice Ganda reconcile one day, but I love how Vice made an effort to go to her personally kahit hindi pa rin siya pinatawad,” at “Feeling ko rin bubog ni Meme yan. ganun talaga, kahit gaano tayo ka successful sa buhay, mayroon bagay na magha-haunt sa atin from the past.”

ANDRES MUHLACH

ASHTINE OLVIGA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with